"Asan na lisensiya mo?! Kahapon ka pa ha! Nakakadalawa ka na! Baba na jan dalian mo!" Pauwi kami ni tracey from tbmu2. And eto ang eksena kanina sa meycauayan ni kuyang jeepney driver at ni manong traffic enforcer. And guess what? Kami ni tracey ang dahilan kung bakit siya nahuli. Kami lang ang pasahero noong mga oras na yon. Nagsorry kami ni tracey and sabi niya "okay lang. hindi naman ako galit. mga tarantado yang mga enforcer na yan." At first akala namin magagalit si manong. But no.. "Napaka malas nga nang araw kong to. Puro na lang kamalasan nangyare" I was shocked nung nakipag kwentuhan samin si manong. Sabi niya na kaninang umaga din daw may nangyaring masama. May 22 years old daw na lalakeng nakalabas ang kamay sa bintana ng jeep niya tapos naipit ng ibang kotse. Sabi ni kuya siya daw ang pinagbayad. Pero hindi naman daw niya dapat kasalanan. Tama nga naman? Hindi siya ang may kasalanan non. Pero hindi siya nagdalawang-isip na magbayad ng 4,000 pesos para ipagamot yon. Then sabi niya "tapos kaninang tanghali naman, may matandang babae pinagmumura ko. Kasi pumapara siya pero umaandar pako. Pero pinasakay ko naman. Hindi nako nakipag-away, humingi na lang ako nang pasensiya. "Sorry po" sabi ko sa kanya" After how many minutes, stores, subdivisions na nalampasan namin, eto ang pinakatumatak saken. May sumabit na isang matanda. "Manong! Pasabit na lang ako ha. Wala akong pambayad eh." "Nako tay baka mahulog po kayo, pumasok na lang po kayo." Then ayun na nga, pumasok yung matanda without giving any amount of fair. Hanggang sa pagbaba namin, nasa isip ko pa din yung mga ginawa ni kuya. See how kind he was? After all the unfortunate experiences that he encountered that day he still did not refrain from doing any kind of good works. I was amazed. Ang galing ni kuya. "Kuya alam kong may swerte na ibibigay sayo si lord kapalit sa mga kamalasang nangyare sayo."