Bakit Ang Dami Kong Alam.
Bakit ako sulat ng sulat dito eh wala akong maipasa man lang sa Tekpen?
Dati, ang dami kong alam sa mga barkada ko. Ako yung dakilang tsismosa sa’min e. Ako yung close nilang lahat. Kasi masyado akong mapanghimasok sa mga buhay-buhay nila. Alam naman nila ‘yon. Kaso, di nagtagal, nawala lahat yun.
Nagkanya-kanya na kasi. Literally and figuratively.
Bakit daw? Medyo mahaba ‘to, pasensya nalang. Pwede mo na i-iskip.
Majors. Napaghiwa-hiwalay kami. Kaso ang malaking tanong dun, bakit naman kami nung mga iba hindi kami nagkakalimutan? (Magpapangalan na ko, bahala na. It’s too difficult not to.)
Sina V (malamang), B, M, at P nalang ang madalas na nakakasalamuha ko. Si V, kasi ka-course ko siya. At talagang di kami nabubuwag kahit minsan may inisan, ganun. Si B--jusko, he’s just everywhere. Pero alam mo yun, kahit pa he’s everywhere eh kinakalimutan niya yun pag kasama niya kami ni V. Si M hindi nakakalimot bumati. Mamansin. Chumika. Si P, ay nako, hindi pumapalya yan sa paghello at pagyakap pag nagkikita kami. May catch-up pa konti. Minsan si S at R. Na nakasama kong maglunch at makakwentuhan. Minsan si D. Na napagsasabihan ko ng mga chika sa buhay ko. (Kaso, parang nawawala na rin siya. Idk. Feeling ko lang.) Madalang na yung mga ibang di ko nabanggit. Para bang sa relationship e, “we grew apart” ang peg.
Si J, medyo nakaka-hug ko naman. Minsan nagtatanong siya sa mga chika-chika sa buhay ko. Si A, ayun. Uh, wala akong masabi. Kasi parang wala na talaga. As in wala talaga akong masabi. Wala talaga. Si C, parang ganun din. Kaso minsan naman, nakakausap pa naman namin siya ni V.
Ang masakit pa, yung mga iba dun na super close ko noon, parang alam mo yun--parang hindi na nila ko kilala (or vice versa). Si F--alam ko, kasalanan ko talaga ‘to. Pinabayaan ko yung magandang samahan namin. Pero, tae, pinagsisisihan ko ‘to. Kung alam lang niya kung ga’no ko kagustong ibalik yun sa dati. Kaso, mukhang huli na ang lahat para sa’min. Wala na. Kumbaga sa love, yung isa walang time, yung isa got tired of waiting.
Si K. Alam ko rin naman na mababasa niya ‘to. Kung ma-timingan niya. Isa siya sa pinakaclose ko noon. Kaso, ngayon, parang nagkalimutan narin e. Hindi na gaya noon. Basta, ganun. Gustuhin ko man na ilapit yung sarili ko e, iba na kasi. Mahirap i-explain. Basta iba na kasi. Hindi ko alam kung ako yung iba, o siya. Basta may iba.
Ang masaklap pa, pag nagsama-sama na ‘tong mga may pare-parehong course, parang nawawala na kaming iba. Parang naiichapwera kami ng hindi kami aware (at hindi rin sila aware, apparently). Madalas pa nga sila magsama ng hindi naman miyembro ng barkada. Don’t get me wrong--hindi naman sa ayaw ko sa kanila. Nagkataon lang kasi na naiinsert sila bigla. Nag-insert na ba kami ng ibang barkada pag may events? Hindi naman ah. (Pero meron talaga akong isang ayaw sa kanila. Hindi na ko magbabanggit.)
Sabi nila nung last na inuman session namin (nung last sem), ako raw nakaka-alam sa mga chika nila sa buhay. Sa lovelife, sa friendship chuchus. Anyare ngayon?
--Riezee Mae (hindi ako si R dito), 5 May 2015 | Matagal ko na ‘tong gustong i-post dito.