Selos, Sumpong at Biruan :))
Ayun, nagtext siya sakin kanina. Bali ganito ang naging takbo ng convo namin (rephrased na).
Siya: Denn, ano 'yung pinagsasabi mo kay Comia kanina.
Ako: Ang alin?
Siya: Na Selosa ako.
Ako: Sabi ko lang naman selosa ka lalo na pagdating sa mga kaibigan mo.
Siya: Natatawa tuloy siya sakin pero natutuwa rin daw siya. Ang gulo no? o ako lang ang naguguluhan?
Ako: Kasi ganun 'yun, nakakatawa kasi nagseselos ka, nakakatuwa kasi nagseselos ka. Hahaha. Ibig sabihin mahal mo 'yung tao kaya nagseselos ka.
Siya: Basta 'yun na 'yun. Salamat ^^
Ako: Sumpungin ka kaya.
Siya: Hindi ako sumpungin. Wala lang sa mood.
Ako: Oh sige, wala sa mood. :) Sabi ko naman sa'yo eh, iintindihin kita.
Siya: Ge, salamat.
Ako: Sanay na naman ako sa mga 'wala sa mood'.
Siya: Ah, buti naman :) Wawa ka naman samin. Haha
Ako: Actually, ikaw lang 'yung laging wala sa mood...
Siya: Ay sorry naman, pasensya na. Lagi kasing nasasaktuhan na ikaw 'yung katext ko 'pag ganun eh.
Ako: Ayos lang 'yun. Sanay na ako.
Siya: Salamat ^^
Ako: Flattered na ako kakapasalamat mo.
Siya: Ah ganun, binabawi ko na.
Ako: Hahaha. Dapat pala nagpapabayad ako.
Siya: Wala akong pera kaya 'wag ka na magpabayad.
Ako (Kasabay niyang nagtext): Hahahaha. Eh 'di kisses at hugs na lang.
Siya (Kasabay akong nagtext): Magkano ba ipapabayad mo? Pag-iipunan ko na. XD
Ako: Ah, pag-iipunan mo na 'yung kisses at hugs?
Siya: Baliw hindi 'yun.
Ako: Hahaha.
Siya: Basta, bahala ka na dun.
Ako: 'Wag kang mag-alala. Nakabayad ka na. XD
Siya: Ah basta wala na akong utang sa'yo ah.
Ako: Hulugan kaya.
Siya: Ay, ewan. Kung ano-ano nang pinagsasabi mo.
Hanggang 'dun muna. Natutuwa ako. HAHAHAHA
Hanggang ngayon magkakulitan pa rin kami.











