FRESHman.
Okay. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi naman ako excited, masyado lang maraming thoughts sa isip ko. Ayun, tapos nagising ako ng 3am tapos naka-alis ako sa bahay ng 5am. Nagpasundo ako kay kuya Jerp (jerpiology) na may inaantay din na si kuya Ayann (thegreenimator). So ayun, nasa LPU na ako around 6:48am. Nagpahatid ako sa room ko since sobrang kabado ako. Normal lang yun. Pagpasok ko sa room ko, nakatingin silang lahat sa akin. Bigla akong napatawa. Init pa sa room, sira aircons.
First Class - Environmental Science Okay lang, no worries. Na take ko na kasi tong subject na to nung first year highschool ako kaya may background na ako kahit papaano. Yung prof ko dito kamukha ng mama ni Mel.
Flag Ceremony Paglabas ko ng room, sakto dumaan sile Rio at Jerp. Ayun, niyaya niya ako kasama sa mga kablock niya cause I don't have friends pa. Nagperform yung LPU Pep Squad. Gusto ko mag audition na, kaya naman.
Second Class - Principles of Tourism Cool professor. Straight english ang pananalita. Pero nakakaramdam ako na maraming pinapagawa ito.
Third Class - English 20th year na nung prof ko sa pagtuturo niya ngayong taon. Awesome. Yeah matanda na siya. Feeling ko near retirement age na siya. Tama lang, marami siguro ako malalaman dito. Makwento. Ikaw ba naman ikwento yung buong school at inisa isa lahat ng floors.
Uwian ko na, di natuloy pagkikita namin ng crush ko sa Mapua. May gagawin daw silang project. Grabe talaga sa Mapua Haha So nagpahintay ako sa friends ko kasi Mass naman sa UST kanina. Nagkita kita kami sa LRT Edsa Station at sabay sabay pumunta sa Tagsay. Kapagod lang, paguwi ko kanina, nanuod lang ako ng Spy Kids 4 tapos ayun nakatulog. Nagising ng 10:50pm. Okay lang, wala naman akong pasok tomorrow.


















