The day when I and my kids see each ada again. Nagpunta ako dun sa mismong lugar kung saan sila nakatira, ayun ang lalaki na nila, muka naman silang okay kahit papaano.
Sa sobrang dami kong ikwekwento, mahaba haba eto haha..
10am ako umalis dito 1pm ako dumating ng sm robinson.. nag txt ako kay deow anu anu masasakyan papunta sa kanila, nakalimutan ko na kasi e.. pero nung nasa sm pampangga ako bumili na rin ako ng mga pasalubongs para sa mga kids..
Tapos nung nakabili na ako, sumakay na ako ng jeep. Hassel na tangina, hindi ko pa alam saan ako bababa. Edi nag tanung ako dun sa katabi kong babae, i bet mga 17 yrs old pa lang sya. Tinanung ko sya kung tama ba yung nasakyan ko at kung hihinto ba yun sa Sta.rita, sabi nya tama naman.. tapos nakarating na ako ng sta.rita,
Nung 1 ride away na lang ako from deows house nag punta muna ako sa petron gasolines restroom. Nag ayus ako dun, medyo mabantut lang dun pero okay lang. Edi nakapag groom na ako, a steps away from there merong 7/11 na store, pumasok ako at bumili ng yosi at tubig.
Heto yung moment dun, the girl from the cashier is smiling. Edi smile din ako, sabay sabi nya..
“Sir manliligaw kayo? Ayieee naks..”
Ahahaha.. kainis.. sabi ko..
“Hindi po, bibisita lang po. :) ”
Pinagtitinginan ako ng mga tao.. hindi ko din alam. Tangina nag sstart na tuloy ako mairita.. after nun sumakay na ko ng jeep na dadaan mismo sa bahay nila deow.
Hindi ko na naalala kung saan papara.. lumpagpas ako sa bahay nila.. nung nag txt sya na lunagpas ako sa bahay nila bumaba na ako agad sa jeep at nag lakad pabalik, medyo malayo pero okay lang. Keri pa naman.
Finally! Nakarating na ako.. nakita ko na yung house nila..
Nakita ko rin ung lola nung ex ko, kapatid ng ex ko, current bf ng ex ko at syempre yung ex ko. Wala lang.. ang flat lang ng feelings.. medyo akward din kasi hindi ko ma explain.. basta yun na yun akward nga.
Nakita ko si lola *mano* sabay *beso* parang walang pinagbago. I mean di sya pumayat at di rin tumanda masyado, nakita ko rin yung tita ni ley.
Pag pasok ko ng gate bumungad sakin yung dalawa kong kids especially si cj, sya yung panganay ko. Ni hug nya ko putik muntik na ko maiyak but syempre I dont want dramas kaya straight face lang ang peg ng lolo mo.
And then after the hug scene kinamusta ko sya sabi ko “kamusta? Do you still remember me?” He smiled back at me. Tangina yung luha ko from that moment gustu na tumulo but thanks god buti hindi. Haha kainis 😂
The first thing that i gave him is the “pasalubongs” as usual dunkin donuts lang yung dala ko nun kasi wala naman na akong alam na iba pang bilihin na gusto nila and besides, most of the kids like sweets diba? So yun.. yun ang binili ko tsaka bumili rin ako ng white rose and brownies para sa mother ng mga kids ko, ofcourse! Bumili ako ng presents para sakanya, its my way of saying ng pasasalamat. White roses kasi it symbolize “forgiveness” afterall ive been thru, okay na ko somehow.. medyo malungkot lang, I dunno why..
Anyways moving forward! The next thing i gave to cj is the white rose, sabay sabi “bigay mo tung flowers kay mama” he gave the flowers to cindy as quick as he can. Tapos the brownies inabut ko na din sabi ko ibigay nya din kay mama nya. Tapos si neith, yung bunso namin lumapit sakin tapos ang cute cute nya. Napaka charming nya promise. In fact, sa sobrang cute nya nakakagigil talaga sya. Niyakap ko din sya.
Nag hello rin ako kay cindy, :) haha..
And the boy standing next to her, the boyfriend. Inside i felt a sudden sadness. Weird right? He introduced his self.
“Jr nga pala pare’ boypren ni deow”
“Rj pare’ nice to meet you”
I find it quite disturbing, seriously medyo akward lang kasi its my 1st visit after me and deow breakup, almost 1 and a half year na rin na hindi ko nakakasama mga kids ko.. Di naman ako mag tatagal dun e. Sana dumistansya muna sila.. but thats fine. Kagustuhan nila yun.. oo? Affected parin ang tema. Ang dating kasi parang pinamuka pa nila sakin na ako na lang talaga ang di nakaka move on. Ako ang single ahaha.. but again.. thats fine.. masakit lang.
Syempre akward nga diba.. parang gusto ko na rin umuwi e.. onting bonding with the kids, picture taking at onting tanungan at kulitan with the kids. Tapus nun umuwi na ako..
Sakay ng motor.. sakay ng bus.. nung nasa bus ako.. lutang na lutang ako. Yung tipong soundtrip ka lang tapos tulala..
*best i ever had by vertical horizon*
Yan lang yung tugtug na pinapakinggan ko amp.. nabuntis ko yung tugtug pramis paulit ulit hanggang sa ma bat empty ako. Nung nakasakay na ako. Yung luha ko tumutulo.. putang ina mo talaga rj. Isa kang talunan.
Nung nakauwi ako sa bahay.. uminom ako redhorse pang patulog..bumili rin ako nung pritong manok at yosi. The no rice day, sobrang pagod din kasi nun araw na yun. Imagine ang aga ko gumising.. wala tala akong kain that day kasi hindi ko din inaasahan na maaga ako byabyahe papuntang pampangga kasi nga ang usapan after lunch ang punta ko. Tapos nung morning nag text sakin na ihulog ko na lang daw yung pera.
Medyo nalungkot ako kaya ang sabi ko sige kung aalis kayo ng hapon edi umaga na lang ako aalis sa bahay para ng sa ganun maaga pa ako makarating dun at maiabot ko yung pera.. hapon na nung dumating ako.. di naman sila umalis.. medyo hilo rin sa byahe kasi nga wala pa kong kain nun grabi.. pero siguro naman worth it diba? Medyo nalungkot lang.
Nung nagiinom ako tumawag si mama sa vibr.. ayun usap kami.. mega krayola ang lolo nyo. Hirap kasi nun haharap ka sa kanila ng okay but deep n side punit na punit ka. Kay mama ko nilabas lahat ng hinanakit ko. Medyo gumaan naman yung loob ko somehow..
Bakit kasi kailangan ako yung palaging mag adjust. Ako yung umintindi, ako na nga yung niloko, iniwan at pinagpalit tangina lang kasi hanggang sa huli ako parin ba? Hindi ako galit.. gusto ko lang malaman bakit palaging ako.. nakatulugan ko yung cp ko.. sobrang pagod na rin kase..
9am ako nag handa, 10 ako bumyahe 3 na ata nung nakarating ako dun.. hayysss.. til now wala parin ako ganang kumain.. 11:28am na..
But then again. As i said.. tapos na yun.. hindi rin naman ganun kasama. Magiging okay ka rin rj. Naka move on ka naman na siguro.. pero yung damaged, anjan parin.
Ah basta.. one day! Magiging 100% okay rin ako. Naniniwala ako don. Apir!