Good evening. Ang active at productive ng social life ko today. At ngayong gabi, ang inaatupag ko naman ay aralin 'tong mga cashback, shopback, social good, and the like.
Inaaya ko 'yung mga kapatid ko at nanay ko na sa akin na lang ibigay 'yung pera at ako ang magca-cash in sa mga bank account nila, at ako na rin ang magbabayad sa mga bills nila (pero ibibigay nila ang perang pambayad sa'kin duh).
'Di naman gano'n kalaki ang cashback pero 'di rin naman ganoon ka-effort, additional clicks lang at boom may mga dagdag panggastos na rin ako. 'Di ko naman expense 'yon dahil sila naman ang bibili sa Shopee or saanman, pinakikinabangan ko lang ang expenses nila. Sabi ko naman bibigyan ko rin sila ng komisyon lol. Naniniwala akong ang pinakatipid ay ang hindi gumastos at all, kumpara sa gamitin ang mga voucher na inooffer ng merchants.
Pero pag nakikita ko 'yung mga nasa A+ Rewards ng GCash parang napapaisip ako. Tutal binibili ko rin naman talaga 'yung ibang nandoon tulad ng McDo cheeseburger. Nae-entice akong mag-save ng barya-barya. Sayang din 'yun a, pang-load or pang-meryenda.
















