Ang Pag-ibig Na Totoo: Paano ipa-alam kay crush ang feelings mo?
Paano ba natin maipapaalam sa mga taong mahahalaga sa atin na mahal natin sila? Sa pamamagitan ba ng pagbibigay g regalo? Sa pag-gawa ng mga love letters? Pagbili ng roses and chocolates? Pagbili ng mahahaling mga regalo? O kaya sa pag-gawa ng mga tula o kanta para sa kanila?
Kung tatanungin natin yung mga lolo at lola natin, siguro sasabihin nila na ang pinaka da-best na way para maipaalam natin sa mga mahal natin ang kung ano ang nararamdaman natinay ang pag-gawa ng mga liham o mga sulat. Puwede! Pero ang hassle naman nun. Love letter? Siguro noong panahon nila na uso pa ang pakikipag-penpal. Sa panahon ngayon kung saan uso ang internet at text e parang nakakatamad naman na gumawa pa ng registered mail.
Kung taanungin naman natin yung mga mas matatanda pa sa mga lolo at lola natin , marahilang isa-suggest nila ay ang pag-gawa ng ng tula na pwedeng gawing kanta at iharana sa mga crush natin. Pero aminin na natin, marami sa atin ang hindi biniyayaan ng magandang boses at kapal ng mukha para pumunta sa tapat ng gate ng bahay ng mga love o crush natin para kumanta o mangharanasa disoras ng gabi. Lalo na siguro kung maraming manonood.
Pumunta naman tayo sa mga magulang natin na gumamit ng telepono sa panliligaw. Sila kasi yung mga taong halos abutan na ng madaling araw mula sa magdamag na pakikipag-telebabad.
Maganda sana 'yon lalo na at naimbento na ang cellphone at napakadali lang magregister sa unlicall services ng globe o smart. At dahil diyan ay hindi na tayo papagalitan ng mga parents natin dahil sa magdamagang usapan gamit ang landline. May sari-sarili na kasi tayong mga cellphone ngayon. Pero aminin natin, hindi productive ang ganitong set-up. Una, mapupuyat ka. Pangalawa, ano't magdamag at buong araw mong kakausapin ang crush, jowa, o nililigawan mo? Baka maumay naman siya at magulat ka nalang, sabi nga ni Ramon Bautista, hindi ka na crush ng crush mo.
Kausapin naman natin yung mga kuya't ate natin. Sila kasi yung nasa generation na nauso ang pagbibigay ng mga regalo, pagpapa-pogi gamit ang mga roses and chocolates, at pakikipag-date kung saan-saan. Sila ang mga tunay na mga 90's kid na dinadaan din sa "japorms" na "jologs" ang panliligaw. OK na OK sana ito. Hindi dyahe, straight to the point at walang halong ka-ekekan. Pero may problema. Kunin mo yung wallet mo. Magkano yung perang nandiyan? Ilang araw pa ba ang pasok mo? May thesis ka pang ipapasa at may babayarang utang sa kabarkada dahil nagkulang ang panlaro mo ng dota. Ngayon, tingin ka sa salamin, kaya mo bang bilan ang crush/jowa/nililigawan ng roses at ferrero every time na may date kayo? Kaya mo bang puntahan siya araw-araw at ilibre siya sa starbucks, DQ, j.co, yakimix, o isang milktea manlang?
Pakatotoo tayo brad. Hindi pa natin kaya sa ngayon yan. Umaasa pa tayo sa baon o allowance galing sa parents natin. Maliban nalang kung may trabaho ka na, syempre. Pero kung enrolled ka sa isang school, ang dapat mong gawin ay mag-aral.
Napaka-simple lang naman ng sagot sa tanong natin kanina na kung papaano ba natin masasabi na mahal natin yung taong mahal natin. Ito ay sa pamamagitan ng simpleng pagsabi ng nararamdaman natin tulad ng pagsabi ng "Mahal kita" p "Mahalaga ka sa akin." Walang dyahe feelings, walang halong ka-ekekan, lalung-lalo nang hindi masakit sa bulsa. Maaari mo din naman gawin lahat ng mga advice nila lolo't lola, mama at papa, kuya at ate kung gugustuhin mo pero walang kasing sarap para sa mga taong mahal natin na marinig mula sa atin na mahal na mahal natin sila. Mas simple, mas ok!
Tandaan, ang pagpapakatotoo ay ang pinaka magandang way ng pagpapakita ng tunay na pagmamahal.
Ngayon ang tanong, paano kunghindi ka type o gusto ng mahal mo? Aba, eh ibang usapan na yan. Pero yan ang susunod nating pag-uusapan.
Maraming salamat sa pagbabasa ng simpleng akda ko ngayon. Sana ay nagustuhan ninyo. Kung nagustuhan ninyo, ikalat niyo sa iba. Pero hayaan ninyo silang magbasa. Ano yun? Binasa mo tapos ipapakwento lang nila sa inyo? Hayaan ninyo na sila ang magbasa.
Dahil ang pagbabasa ay isang uri ng paglinang sa ating kaisipan.
For questions, suggestions, or violent reactions, feel free to send me a private message. Thank you!