Dumating ako ng gaisano at naabutan sina babaengmaytopak at tinamaanako sa McDo, malapit na mag-1pm. Hindi pa sila kumakain ng lunch.
At dahil may wifi sa McDo, alam na this. Ayun, moment of silence. Umalis pa si Maan. Dumating na din pala si gracielleism
Nang malapit na mag-2pm, umalis na kami. Bumili muna kami ng ticket ni Nini.
Pagdating namin ng terminal, naglabas ng sama ng loob yung panahon. Ang lakas ng ulan at hangin. Azar. Tapos dumating si zelhaart.
Punta na kami ng wildlife. Umuulan pa rin.
Hanap kami ng lugar na pagtatambayan habang naghihintay kay Maan at sa ibang bloggers na pwedeng pumunta pa. Umasa kami sa wala. K.
Nagsulat ako ng FS. Yung mga papel, nagsiliparan. Tapos sila, tinitingnan muna bago habulin. Ok. Hahahahaha
Photoshit ng kung sino. Ako madalas may hawak ng cam kaya wag nyo ko masyadong hanapin.
Mga 4pm, hinatid na namin si Zel sa exit kasi pupunta na daw sya ng Gai kasi uuwi na ng Tiwi. Nawindang ako nang malaman kong hindi nya alam yung mga lugar na pinagsasabi ko. Kunsabagay, sa Naga naman talaga yon nakatira eh.
Libot kami ulit nina Nini. Ang kulit ni Nini, jusko. Tapos ang dami namin bitbit dahil sa pasalubong ni Nini. Ang laki ng bag ko gawa ng cam ni Nini. (puros Nini, sya naman kasi!)
Picture ulit. May picture na kaming matino ni Nini. Finally.
Tapos huling libot, uwi na. Napagod daw si Nini. Hahaha
Kaming dalawa na lang ni Nini ang bumalik sa mall. Nagbihis sya habang nag-order nako ng foods.
Sobrang nagmamadali kumain si Nini kaya hindi ko naenjoy yung pagkain ko. Tapos nakita namin si ano. Tapos ayon, lalo ko kailangan magmadali. Kasi naman! HAHAHAHA
Tapos nung papunta na kami ng terminal, umulan na naman. Buti at may payong si Nini.
Pagdating ng terminal, andun na yung bus ni Nini.
Tapos palitan ng 'thank you' at 'mami-miss kita' tapos ako humirit ng 'balik ka dito' tapos hug tapos sumakay na sya at bumalik na ako ng mall.
Hindi ko alam pero kahit halos wala kaming ginawa, nag-enjoy naman kami. Siguro kasi tawa kami ng tawa, Hahahaha. Tapos basta. Napagtitripan namin yung mga tao sa wildlife kanina. Pati mga hayop. Kaya ayon. Kahit hindi kami marami, okay lang. At least walang na-awkward o ano. Kaya ayon. Hahahaha. Maraming nauwi si Nini na stickers.
PS. Wala akong picture. Ni isa. HAHAHAHAHA. Kaya aasa ako kay Cielle at Nini.