nikowlodeon, gracielleism and most specially tinamaanako. Una sa lahat, wag magtampo yung dalawa kung specially si Maan. Technically mas malapit sya at marami syang nagawang favors for me. Hahahaha. NICOLE. Kahit bihira kitang makasama, nothing has changed. Love pa rin kita. Kahit may boyfriend ka na at marami nang newfound friends, no hard feelings. Natuwa ako nung nalaman ko yun. Kasi dati, kami-kami lang kilala mo. Kaya natutuwa ako na lumaki na yung circle of friends mo dito sa albay. Hahaha. Thank you for being there when I need something. Thank you for being my friend. Love you. Mwa. CIELLE. Cielle. Cielle. Ano ba masasabi ko? Hindi ka kasi ganung kaopen sakin, samin. Mas open ka pa nga kay Dee ata e. Hindi naman ako nagtatampo pero nakakainis lang pag minsan iniisip mo na mag-isa ka. When in fact, you're not. Hinihintay lang kita magkwento. Ayoko naman kasi pilitin kang magsalita kung hindi ka pa ready. Kaya standby lang ako pag kailangan mo ng kausap. Oh well. Salamat sa ilang jamming na nakasama kita. Salamat kasi nakikinig ka sa mga kadramahan ko and etc. Sana masaya ka at maging mas masaya pa. Yung tipong consistent happiness. In all aspects, not just love. Pati family, studies and etc. Love you Cielle. MAAN. Pano ba kita makakalimutan e ikaw yung unang tao na iniyakan ko in person nung mga panahong broken ako. I remember. It was month of March. Kakagaling mo lang sa PE Class mo, ata basta nakaPE ka nun, tapos pinapunta kita sa bahay para lang dramahan. Para lang iyakan. Hahaha. Ewan ko ba nawala yung hiya ko sa ginawa ko. Haha. Anyway salamat din sa endless favors ko na grinant mo. Like yung avp namin sa org, preparation sa meet up and etc. I really like your company. Yung tipong go with the flow lang, masaya. You are my clown. Its impossible not to smile or laugh pag kasama kita. Ang laki mong stress reliever as in sobra. Kaya love na love kita. Mwa. Thank you kasi sainyo ako nakahanap na matibay na samahan na natagpuan sa Tumblr. At some point, you know me better than my hs friends. Yun ay kung madalas pa rin kayong magbasa ng blog ko. Hahaha. Pero srsly guys, I love you. And I miss you. Thank you for being a part of my 2014. Sana magkakasama pa rin tayo hindi lang sa 2015 kundi sa mga susunod pang taon. Merr Christmas and Happy New Year!