“Hello po, I’m Khalayla Andres po, ako po magiging nurse niyo hanggang 3 po ng hapon. Kamusta po kayo?.”
I was a Mass Communication student and it took me 3 years to realize na I wasn’t really happy with what I was doing kaya bago ako mag 3rd year, 2nd sem, nag decide ako na mag shift. I was almost there, malapit na akong grumaduate nung nag shift ako. Buruin niyo yung more or less 1 year nalang bago ako grumaduate sa unang degree ko sana. Isa yun sa pinaka mahirap na decision na ginawa ko kasi it involved so much time, effort, at syempre money. Maraming nasayang. Ayun na nga fast forward na tayo at 1st year na ulit ako sa bagong degree, Nursing. Balik 1st year ako kasi minor subjects lang ang carried eh first year palang may majors na sa nursing. Back to zero, grabe, sayang. Naalala ko marami akong breaks, kasi tapos ko na minor subjects ko nung Mass Comm student ako. Ayun nag second year naman ako kahit papano hahaha nairaos ang kahirapan ng unang taon ko sa nursing. Kala ko magiging madali na para sa’kin kasi nakapag adjust na ako pero di pala. Sa 2nd year ko sa nursing, dun na kami sumabak sa area. Pumunta sa mga ospital para magpaanak ng ilang nanay, nakakita ng kakyuuuut na mga babyyyy wahhhhhhh!!! Fast forward sa 3rd year na may punyetang research, mangiyak ngiyak kami sa grades namin noon. Sabayan mo pa ng mga ka-grupong gusto mo nalang sipain papuntang Mars minsan. Nairaos ko rin naman kahit papano, kaway kaway sa balde baldeng luhaaaa na naipundar ko.
Ngayon, nasa huling taon na ako ng nursing journey ko. Hopefully last year jusme, yawqna ih. Isa sa pinaka mahirap na desisyon sa buhay ko pero isa sa pinaka masaya at fulfilling na desisyon, samahan pa natin ng sakit at pighati. Yung susunod na post ko ng picture, ga graduate na ‘ko!!!









