It’s been 2 years already..
Since umamin ka sakin kung bakit Hindi Pwede... Kung bakit hindi nagkaroon ng talagang "Tayo".. At kung bakit hanggang puro umpisa lang ito pero hindi naman natutuloy.. Buong akala ko dati, parehas tayong nahihirapan sa sitwasyon.. Ngunt mula pala sa umpisa pa lang ng paglalakbay na ito, hindi mo ako sinamahan. Nagpaiwan ka pala.. Kasi hindi pala ang katulad kong babae ang nais mong makasama hanggang sa dulo.. Pasensya na kung medyo umasa ako.. Ngayon, tanggap ko na kung bakit.. Isang magandang karanasan pa din naman na magkagusto sayo.. Nalaman ko kung ano ang pakiramdam ng may minamahal.. At ngayong dalawang taon na ang nakaraan mula nang araw na iyon, muli kong binuksan ito para lang ilathala kung ano nang nangyari.. Masaya akong sa dalawang taon na iyon, hindi nawala ang pagkakaibigan ntin. At masaya din ako para sa sarili ko, dahil malaya na ko sa pagmamahal ko sa iyo.. Handa na akong tanggapin ang taong inilaan talaga ng Panginoon para sa akin.. Patuloy ka din sanang maging masaya.. Hangad ko ang tunay mong kaligayahan.. -C









