What I'll miss being a college student here in Manila.
(lagyan natin ng malungkot na background song while reading this lol.)
My Papa told me that i'll be leaving for months now. I know guys it sucks but I have to. I'm gonna miss everything especially TUP, kasi kahit sa sandaling pag-aaral ko dun naging masaya ako. Siguro baguhan sa college dahil ganito ang feeling.
First Day. (JUNE 13, 2012)
Maaga akong dumating sa TUP. Syempre, excited. College eh! Excited na excited suot ko pa yung ID ko na wala yung iba. Yabang yabang ko diba. Ayun, tatanga tanga pa, tinanong ko kung saan ang CIT building. Dun kasi ang first class ko, Yung MEAL MANAGEMENT, sa RM 210. Punta ako sa 2nd flr., dali dali kasi akala ko late nako. Pagdating ko sa lobby, wala akong kaibigan. May lumapit sakin, chubby. Kamukha ng Bestfriend ko nung HS, si Keem. Pero hindi Keem ang name niya, CLAUDINE ang name niya. "TAW" daw for short. =) Ayun, tinignan ko yung sched niyang malaki at pinapaypay niya dahil mainit daw hoho. Pinapasok na kami sa RM 210. Madami dami kami mga 29 din ata kami o 31? May nalipat kasi sa ibang section. Naging katabi ko si ARGUELLES at TALLA. tapos si ORTALIZ sa dulo, puro first impressions ang iba. Ang pagpapakilala ko ay ako yung hindi makakatapos ng 1st semester kasi kukunin nadin ako ng papa ko sa New Jersey. (Nung una akala ko baka hindi ako makatapos ng 3 years sa TUP pero ayun nagkatotoo pala, hindi ko na matatapos ang first semester.) At dahil doon, tinawag ako ng iba na "New Jersey Girl." Cute pero ang gulo hahaha ayun, nag uwian na kasama ko si TALLA sa LRT, magpapalagay na kasi ako ng braces. Oo nga pala, since birthay ni YUGEL nung June 11, binigyan ko siya ng Twix na chocolate. (Tama ba?) Haha. Si boy chocolate yun :3 That day, nalagyan na yung upper bite ko ng braces.
Hindi ko na ikkwento yung mga sunod sunod na pangyayari dahil sobrang haba pa at baka maumay pa kayong lahat :3 Sasabihin ko nalang yung mga bagay at mga tao na hindi ko malilimutan. =)
TESKOW ♥ - Claudine "Taw" K. Silvino (Bebeh Taw); Charina "Cha" V. Hirao (Panget Cha); Jane Erika "Eka" E. Sison (Eka Teh); Celine Ethel "Theng" S. Tuberlleha (Theng Malibog); Jon Vincent "Cent" D. Ortaliz (Baklang Vincent); Hazel Anne "Zel" B. Pascual (Tes Hazel). ♥ -- Yung mga kalokohan natin number 1 ko yun mamimiss! May supply kayo ng chocolate sakin pag ako nakahanap ng work, Love na Love ko kayo mga Tes! =)
Tumblr Friends ♥ -- Yugel Rudolf Alba (gewgle) && Kaloy Sotero (towriteandalwayswill). ~ UY Mga kuya, Thanks ha! Labsyu. Lol :D XD ♥
SM Manila tapos yung Hepa Lane dun sa may Central Station. :D ♥
Tayuman Foods. -- Yung Pansit, Hotdog, Puto, Pineapple Juice, Buko Juice at Gulaman nila dun. Hihi ansarap sana may ganyan kasarap sa US. XD
Zobel Street. XD -- YUM YUM, Jeps Carinderia, Computer shop sa tapat ng Jeps, Yung tindahan na bilihan namin ng Tanduay Ice, Kwek kwek sa kanto at yung Tea ano ba yun hahah basta masarap tumambay dun.
LRT na siksikan especially sa rush hour! :))
NFT Friends and Other TUP Friends :)
COOP! - Ayan yung Gatorade, mga piso piso na clover bits, stik-o, choo choo mylabs hahaha, noodles at A4 paper :D Walang ganyan kasarap na pagkain dun eh. :3
Salamat sa lahat ng fun memories. Hihi. Goodluck sa ating lahat sana tayo lahat maging successful :)
Loveyou guys! <3 Godbless us all.