ANG LIMANG UTOS NI ITAY
Nakahanap ako ng tsempo para magpaalam na pupunta ako sa TSAMU.
ME: Dad, pupunta akong Luneta bukas. Maaga akong aalis sa bahay.
Dad: At bakit?
ME: Hahanap po ng ka-forever. Ano kasi….kagaya nung dati. Kasama ko naman ‘yung mga kasama kong pumunta sa Luneta dati. Thaaanks!
Dad: Nakooo! Gracia, ika’y mag ingat-ingat pag pumunta ka doon. Nakoooo.....
1. “Huwag na huwag kang tatanggap ng pagkain o inomin kahit kanino! Uso ngayon ‘yung nilalagyan ng pampatulog ang iinomin tapos rereypin!”
Akala siguro ng tatay ko, patay gutom ‘tong anak nya na basta-basta nalang tatanggap ng foods kapag inalok ng kahit na sino. Jusq!
2. “Huwag kang mag suot ng shorts, suotin mo ay pantalon! Tapos ‘yung mahahabang damit at hindi fit!”
Pangarap siguro ng tatay ko maging HIP HOP noon, kaya saakin nya gustong tuparin ngayon.
3. “Huwag kang makikipag usap kung kani-kanino doon. Uso ngayon ‘yung nahi-hypnotize tapos kung saan-saan dadalhin!”
“Kung alam mo lang 'tay, kung gaano ko na katagal pangarap i-hypnotize si crush para madala ko sya kung saan-saan. Iiiih! Hihi.”
4. “Huwag ko lang makikita sa PESBUK na may kaakbay ka na namang lalaki! Nako talaga naman!”
Syempre doon ko po iu-upload sa isang facebook account ‘yung mga pictures. Ano ba naman 'tay!
5. “Huwag kang magpapagabi ng uwi. Baka may humila na lang sa’yo bigla at pagsamantalahan ka!”
Dapat matuwa pa nga po kayo kapag may humila sa’ken kasi sa edad kong 22 kahit first kiss sa cheeks wala pa ako. At least doon manlang mapatunayan kong isa akong normal na babae, na meron din pa lang lalaking nahuhumaling saakin.
Hindi malinaw sa’ken kung pinayagan nya ako o sinermonan lang ako. Anyway, see you pa rin sa mga pupuntang TSAMU!













