hingang malalim sa hating gabi.
nakikinig sa aking paburitong musika.
kaharap ay telepono
humihinga.
nag iisip ng salita na kung anong pwede maitalata.
huminga.
pinipindot ang bawat letra na tila magulo ang utak hindi makapagisip ng tama.
hingang malalim.
isip ko ay ikaw. pinapakiramdaman ang pusong tumitibok "ay oo nga pala buhay pa ako at ikaw ang rason sa pagtibok neto."
humingang malalim.
kumukulong tyan tyak na gutom ata ako.
ngunit ang pagiisip ko ay ikaw at napatanong na.
"kamusta na kaya siya?"
"kumain na kaya siya?"
humingang malalim
ako'y napipikit pero patuloy padin sa pag pindot ng letra na kung ano salita na pwede gamitin o itugma sa aking tula.
hikab akoy inaantok na.













