High School
Tanda ko ang unang araw ng klase ay ang unang araw ng pagtibok ng puso mo para sakin. Tanda ko pa ang pag tama ng tingin ng ating mga mata, mata mong kumikislap tulad ng bituin sa madilim na langit Tanda ko pa ang unang beses na nagkasabay tayo umakyat ng hagdan, dahan-dahan ang hakbang para madama mo ang kilig at kabog ng yong dibdib.
Bawat araw ika’y nakikitang nakangiti sakin, para bang ako ang dahilan ng pagpasok mo sa eskwela Bawat ngiti mo at bati sakin ay ‘sing tamis ng kendi na dumadampi saking labi Bawat sulyap ay kakaiba, para bang tumitigil ang oras at ikaw at ako lang ang magkasama at wala ng iba
“Love at first sight” ang sabi nila, pero hindi kita inibig sa unang tingin Umibig ako sa isang taong alam kong kaya akong ipaglaban sa mga taong nagsasabing “bata ka pa aral muna” Umibig ako sa pagsundo at hatid mo sakin mula bahay hanggang eskwela at pabalik, dahil naisip ko ako lamang ang babalikan mo sa bawat araw na lilipas Umibig ako sa kung paano mo binitbit ang aking gamit, dahil na niwala ako sa lakas mo at lakas ng pag-ibig mo para sakin
Lumipas ang masasayang araw natin sinta, dumating ang pagsubok na ‘di inaakalang makakaya ng dalwang bata Pag-ibig na walang hanggan ang ating pangako, na napako sa wala. Na naglaho lamang noong sinabi mong “hanggang dito na lang mahal.”
Unang pag-ibig na kay sakit at tila di makapasa sa mga pagsusulit at suliranin Unang iyak sa isang taong bigla na lang sumuko sa mga pangako at pangarap Unang pait na natikman ng puso’t, damdamin ko, dahil lang sa mga katagang “hanggang dito na lang mahal.”












