“Tayo”
I Love You
Tatlong salitang madalas sambitin ngunit madalas ay walang laman. Ang daling sabihin ngunit ang hirap patunayan.
Ang daling malinlang ng tatlong salitang akala mo’y dugong bumubuhay sa iyong mga ugat. Sa iyong pagkatao na animo’y hininga na pag hindi nasabi’y mamamatay ka ng dilat. Salitang madali kang malinlang, madali kang mauto, madali kang umasa.
Bakit ang daming tao na walang hirap na sabihin ang mga salitang walang laman. Na akala mo’y isa lang siyang pangakong walang katotohanan. Isang responsibilidad na kay daling sabihin ngunit walang planong sundin. Mga hugkang na salitang madalas ay walang tamang kahulugan ngunit inaasahan.
Mga katagang inaasahan kong sasabihin mo. Ngunit nagkamali ako. Dahil una pa nga lang pala, wala nang patutunguhan kung ano mang meron tayo ….
Tayo?
“…. meron tayo”
Tayo?
Meron nga bang “tayo”?











