2017 - August 6th
Kanina naasar ako sayo nung sinabi mong masakit yung ulo mo. Alam mo namang sasakit talaga yung ulo mo sa nilalaro mo pero sige ka pa rin, laro pa rin. Tas nung pagka-uwi sinasabi mong masama pakiramdam mo. Nakakaasar lang kasi alam mo naman na ganun na ang nangyari nung nakaraan pero di ka pa rin nadala at nagtanda. Nung nanahimik ka, hinayaan na lang kita kasi sabi mo may sinusulat ka. Kahit naiinis pa rin ako, hinayaan ko na lang at nanahimik na ako, ayaw ko kasing magalit at mainis pa lalo. Sa hinaba haba nung pananahimik mo bigla mong sinabing "tignan mo may sinulat ako" - sa puntong yun alam ko nang nagsusulat ka dito kaya hindi ka na umiimik. Pero bakit ganun? Bakit kahit inis na inis ako sayo, bakit napangiti ako habang binabasa ang sinulat mo? Isang lenguwaheng wala kang ideya paano intindihin pero pinipilit mong pag-aralan. Isang simpleng kataga pero napangiti ako at nawala ang lahat ng inis ko sayo. Paano mo nagagawa yun? Paano mo nagagawang patigilin ang puso ko sa isang maliit na bagay lang? Nakakainis ka. Pero mahal na nga talaga kita.

















