Soar high, Eagles.
Okay, marapat lamang na hindi pa din ako nakakamove-on (Oo, di pa rin yata talaga. Haha. Sorry naman. *wink*) sa pagkakapanalo ng Ateneo Lady Eagles last Saturday over the 3-peat champions Dela Salle Lady Spikers. May post ako. Tadaaaaaaa!
Sabi nila, ALE's win was a Cinderella story/ underdog story. Indeed, it was. I'm no volleyball expert but here's what I'm going to say, I love them, I love how this rebuilding team clinch their first ever championship win. Mula nung nanood ako ng volleyball, around UAAP Season 74, nasa ALE na talaga puso ko. Di ko alam pero there was something with this team. Kahit pa halos lagi kong napapanood na galit si Coach Roger Gorayeb every single huddle ng Ateneo. Yung mga laro na ang dami nilang errors at namimigay sila ng puntos sa kalaban, mula season 74, di ako nagsawa sa kanila. Kahit alam ko na may tendency na ang panget ng laro nila, sa kanila pa din ako kakampi. Yung pinilit ko pang may mahalin akong ibang team pero, wala, ALE talaga all the way.
Every championship game mula season 74, nakakapasok sila sa finals. Lagi nilang kalaban ang DLSU which is really a strong team. Di na maku-kwestiyon ang galingng La Salle, markado na yan e. Pero, season 76 was just different. Andun pa din yung lakas ng DLSU, kita naman sa 14-0 sweep nila over the elimination round. Best blocking team. Strong team captain Aby Marano,Ara Galang, Mika Reyes. Ano pang masasabi mo para mapatunayang sobrang lakas nila? Wala na. Ateneo, on the other hand was a rebuilding team. Isa sa mga team na puno ng rookies. Iilan lang ang mga veteran players na naiwan after mawala ng Fab 5. Nawala pa si Coach Gorayeb. Transition during the season. To be honest, earlier part ng season di ako nakanood masyado, di ko nasubaybayan ang mga laro unlike the past seasons pero dahil alam ko ngang nangangapa pa ang ALE, di ko na inasahan na makakapasok sila sa Final 4. Medyo nawalan ako ng gana panoorin sila (sorry babies!) pero nagulat pa din ako na nakapasok sila sa Final 4.
Unang beses ko din nakita si Coach Tai. Earlier this season, ang lagi kong nakikita na si Coach Parley tapos nakalagay lang sa kanya, assistant coach. Akala ko pa nun, si Coach Gorayeb tapos biglang may Coach Tai. Di ko mainitindihan kung paano sila nagkakaintindihan ng ALE. Puro kasi siya "happy" "hantong, hantong" HEARTSTRONG palaa. Pauso ni Coach Tai, and there goes his happy dance. Ang cute lang niya. Nung napanood ko na siya, madalas ng panalo ang ALE. Pumasok sa F4 at nakailang do-or-die match bago makakuha ng championship title. Pero andun si Coach Tai, muestra lang ng kamay niya, alam na ng ALE kung ano ang ibig sabihin niya. Di man siya nakakabuo ng isnag buong pangungusap, gets mo pa din siya, matutuwa ka pa. Yung pagsayaw niya, malaking tulong sa ALE. Kumpara nung mga nakaraang season, wala masyadong pressure. Saw 2 seasons na kalaban ng ALE ang La Salle, pressure and frustration ay nandun. Kahit ako na nonood lang sa bahay, frustrated din sa kanila. This season, puro ako tawa sa ALE. Kung ano yung gaan na nararamdaman nila during the game, ramdam ko din as a fan. Ang gaan nila kaya sila lumipad buong season.
Nung nanalo palang sila over NU, I knew their meant to go against La Salle. At sabi nga ni Aby Marano sa isang tweet niya: "So it's GREEN and blue again." It was, naisip ko talaga this season, if Ateneo doesn't make it to the finals, NU would be the deserving team to go up against La Salle. Ang ganda din kasi ng laro nila this season. That's out of the question too, pero kinaya ng ALE. Beating that advantage, beating two do-or-die matches with the second best seeded team. After they won the last game with NU, nasabi ko sa sarili ko na may rason kung bakit makakaharap nila ulit ang DLSU. And maybe this time, the reason is they're going to win. Lahat ng game this finals, iniisip ko na hindi nakarating ang ALE dito para lang sayangin nila ang pagkakataon na makalaban ang DLSU. I know they'll give a good fight. Both teams fought their best. Sobra. Hands down ako sa dalawang team. It wouldn't be such a great finals game kung di nila parehas ginalingan. Best volleyball season by far na napanood ko.
Buong game 4, nanlalamig ako. Gusto ko manalo sila. Gusto ko maka-champion man lang sila this time. Hiniling ko pa nga na sana 5 sets at sila ang panalo pero a 3 set sweep over La Salle? That was more than enough a 5 set win. That's way sweeter than a 5 set win. I prayed for the girls to soar high over the archers and they did. Sobrang talon at saya ko lang nung nanalo sila. Duet pa kami ng kapatid ko sa pag cheer. Nakakalungkot lang na may kailangan talagang matalo. Nalungkot din ako for DLSU lalo nung nakita ko si Ara Galang na humihikbi. It wasn't the way Aby Marano wanted to end her collegiate career pero, Kapitana, your 5 years with DLSU is undeniably greater than a championship. You gained respect from your community and team. Salute!
Sa ALE naman, grabe, mahal ko na kayo lalo nga babae! Lalo na si Alyssa Valdez, Batanguena represent!! :) Saw how Alyssa lead the team, minsan siya pa nga ang coach sa huddle, si Coach Tai nakikinig din sa kanya. You really soared high this season idol! For the rookies, Mich Morente and Jia Morado, yung totoo rookies ba kayo? Galing niyo na, malayo pa ang mararating niyo, gagaling pa kayo at malamang maging legendary at lethal weapon pa kayo ng Ateneo in the near future. Amy Ahomiro and Ella De Jesus, they both stepped up this season. Bravo. And to the libero, Denden Lazaro, grabe ang puso. Injured pero naglalaro pa din. Hands down to you!
Ateneo showed that they were a better team this season. Kung ngayong nasa transition state pa nga lang sila nagawa na nilang magalaro ng ganyan, ano pa next season? Ano pa ang kayang gawin ng bagong ALE? Kaabang-abang sila next season, yun ang sigurado. Abangan ko kung paano nila i-defend ang championship nila.
Congratulations, Lady Eagles. Soar high, Eagles. :)
PS: Di ako Atenista, pero paano pa kung naging Atenista ako di ba? Haha. :D











