ika-pitong na pahina Apat na babaeng dancer mula sa aming block ang natira sa praktis ng zumba, yung iba kasi water break lang ngunit umuwi na. Nakakatawa nagmuka tuloy kaming kawawa. Napaka saya ng araw na ito, kaso overthink ang kalaban ko, ikaw ba naman hindi mag update sa kasintahan mo, kasalanan talaga ito ng cellphone ko. Ngunit sa kabila ng pangungulila, pinawi naman ng halakhak ng barkada, isama pa ang katarantaduhang apat kaming natira sa zumba. Pagod man ang lahat, haring araw man ay mulat, may mga tao paring dinaraan nalang sa halakhak at pasasalamat.














