Maligayang Araw Diary Entry #3 and 4 November 11 - 12, 2020
November 12, 2020 11:24 PM
Una sa lahat, gusto kong magpasalamat kay God dahil lumabas na ang bagyong Ulysses at tumigil na ang ulan. Pero grabe ang idinulot ng bagyong ito sa nakararami dito sa Metro Manila at sa iba pang probinsya na tinamaan nito.
Pero kahapon, nag-aabang na ako ng anunsyo ng Caloocan na suspended ang klase. Pero dahil nga kahapon nang umaga ay signal 2 na Metro Manila, kaya automatic walang pasok hanggang HS. Pero still nag-abang pa rin ako ng anunsyo, pero wala e. Pero hindi na ako nagklase.
So as usual, nagcheck na naman ako ng modules. Check, nood sa YT, nood ng 2 Moons 2, replay ng Ep 4 ng Boys’ Lockdown, OMG SOBRANG NAKAKAKILIG TALAGA SINA CHEN AT KEY. HUHUHU. ♥♥♥
Ang lala, ang lakas, nakakatakot talaga. Kahapon, bago pa man sumapit ang 12 MN, tinigil ko na ang pagtatrabaho ko (pagchecheck ng modules sa google classroom) kasi malakas na ang hangin, may ulan na rin. Kasi nangangamba ako na baka mawalan ng kuryente. Grabe talaga, napakalakas ng hangin. AS IN habang umuusad ang oras kaninang madaling araw super lumalakas nang palakas ang hangin. Yung yero namin sa amin rooftop tinatangay na, I mean, tumutunog na dahil sobrang lakas. Buti na lang tinalian ni Papa iyon noong bagyong Rolly pa. Tapos hayun na sobrang tuloy-tuloy ang ulan, as usual bumabaha na sa bahay namin sa second floor dahil hindi maayos ang gawa ng bahay namin noong nagparenovate kami noong 2016. And ayun na, nawalan ng ilaw.
Ang lala ng kabang nadarama ko talaga. Siyempre bukod sa kaligtasan ng aking pamilya, inisip ko rin talaga yung mga taong binaha nang malala. Sobrang bothered ako sa mga FB posts na nakikita ko. Yung mga nanghihingi ng tulong, yung ganon. Sana talaga ay maging maayos na ang kanilang kalagayan. At humupa na ang baha. At siyempre sana naman may gawin na ang pamahalaan natin. Thankful din ako kay God dahil ligtas kami ng aming pamilya at gayundin yung mga friends ko pa doon sa mga mas apektadong lugar. Pero I’m still praying para sa mga nasalanta talaga.
Hindi ako nakatulog nang maayos buong magdamag, kaya nang magka-ilaw na doon na ako nakatulog.
Then ayun nag Houseparty kami nina Candid, Edrian at Shine. Wala ang saya lang. Naglaro kami ng Uno. Hahaha. Tapos after non, natulog ulit ako. 7 PM na ako nagising. At ito na umupo na ulit ako sa laptop at hanggang ngayon nagrerecord na ako ng weeks 1 - 3 module ng mga bata. Sana lang makarami ako ng record ngayon. HAHAHA. Ayaw ko na sana magpuyat pero wala namang pasok bukas!
So iyan lang for kahapon at today!