Ramdam na ramdam ko ang vacation. 7 days off. Haha. So gagawan ko ng post to :) For Undas 2012, night before, we had a crema-making contest ni Justin. Parang kelan lang, nakikikain lang kami. But now, kami na yung bumibili ng ingredients! Haha. But since HRM sya, syempre, nanalo sya. (Nauna kasi maubos yung kanya. -.-) Hulaan nyo kung alin dyan ang akin. haha.
Instead of grahams, I made it with Voice combo sandwich since yun request ni Jasper. And dahil sabi ni Justin, wag ko daw pagsamahin ang pinya at chocolate, tanggalin ko daw pineapples. Wala na ko malagay sa ibabaw. So it end up na ganyan. So pambataaaa. haha.
So Nov.1, as usual pumunta na kami ng sementeryo. Super init. As in. Eh since hanggang hapon pa kami, nilibang ko na lang sarili ko magtake ng jumpshots ng mga batang to.
HAHAHA. Sobrang favorite ko si Lucas. CUTEEE! :)) Look :)
Nakakatanggal ng stress. Haha. May hawak pang itlog. Haha. So tomorrow, babalik na naman kami ng Manila. Work na naman. Hay ang sarap maging estudyante. Grades lang ang problema. Di tulad ngayon, kelangan mo na magsurvive on your own. Hehe.