Happy Birthday pinaynablogger, utakgoogle, ex-girlfriend (lol memories), Babe, Best Niña!!!
Oha, hello sa aking best na napakalandi. Waht. Joke. Hahah. nabasa ko kasi yung pag-describe ko noong pinaynablogger ka pa tapos eythan28 pa ako:
O diba, mahigit isang taon na yata tayo magka-kilala. Tanda ko pa kasi ikaw ang isa sa mga unang nakatext ko na blogger. Tapos Smart pa yata tayo noon. O diba, hanggang ngayon, magka-text parin tayo. Friendship \m/
Paano nga ba tayo naging close? ewan ko. Basta finollow kita at finollow back mo naman ako agad at nagkausap na agad tayo. Babe pa yung tawag ko sayo, ang jejemon at ang landi. HAHAHA.
Tapos ayon, nagkaroon ng chever na usapan na magiging mag-girlfriend and boyfriend tayong dalawa. Tanda ko yun eh, gabi yon tapos magkatext tayo. Tapos wala rin, hindi naman kasi pinagplanuhan ng ayos. WAHT. Planado pala. Dejoke, alam mo namang minahal kita at sorry kasi ang drama ko noong mga panahong iyon.
Oshet tama na ang drama. HAHAHA
Basta salamat sa lahat! Salamat kasi tuwing magpopost ako ng malungkot o di kaya magg-GM e kakausapin mo agad ako para kamustahin at bigyan ng advice at damayan ako. As in laging nariyan ka Best. Kahit mapa-Skype, Facebook, Tumblr at Twitter, maasahan kita.
Basta ngayon, enjoy muna ang buhay at maging stronger pa ang relationship niyo ni Red! Basta narito lang ako sa tuwing kailangan mo ng kausap, at alam kong nariyan ka para sa akin.
Happy Birthday and I love you best! ♥