"Ang Puso at Utak"
Sa isang malamig at maulan na gabi narinig kong naguusap ang utak at ang puso nagtatalo kung sino ang mas magaling kung sino ang dapat masunod at kung sino ang mas mahalaga
sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay nagsalita ang hangin at nagsabing: parehas kayong perpekto parehas kayong mahalaga walang mas magaling walang mas mahalaga
ikaw puso hindi mo kailangang maging utak dahil puso ka hindi kailangang sa lahat ng gagawin mo ay magiisip ka dahil may mga bagay na di kayang maisip ng utak at tanging puso lang ang kayang makapag-isip
at ikaw naman utak hindi mo rin kailangang maging puso dahil utak ka hindi kailangang sa lahat ng gagawin mo ay dapat mo munang maramdaman dahil may mga bagay na di kayang maramdaman ng puso at tanging utak lang ang kayang makaramdam
kaya kailangan nyong magtulungan dahil kailangan nyo ang isa't-isa.














