Dear JV/June Vandolph/Vanonymously, First of all, fuck you. Just fuck you. Hindi ko alam kung naaalala mo pa ba ako or kung relevant pa ba itong letter na ito ngayon. Kasi naman diba, it's been years. It's been years mula nung hindi ka nagparamdam. Gago ka. Asan ka na ba? Namimiss na kita. Namimiss ko makipagkwentuhan sayo. Ang dami daming kong itinigil gawin simula nung nawala ka - makinig sa radyo, tangkilikin ang Eraserheads, mag blog, at marami pang iba. Lahat kasi yon, ikaw ang pinapaalala sa akin. Nakakalungkot. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan, putangina. Don't get me wrong. Hindi ako inlove sayo, walang romantic feelings na involve. Sadyang namimiss ko lang ang asaran at kulitan nating dalawa. Namiss ko magkaroon ng kaibigang mahihingahan ko ng lahat ng problema ko sa buhay. Nakakamiss, pero wala eh. Wala akong magagawa. I left you with my email and my phone number. I gave you all my contact details before I left tumblr, dahil sabi mo, hindi magtatapos sa tumblr itong lintik na friendship natin. Pero what the fucking hell happened? Nasaan ka ngayon? What the fuck are you doing right now?! Ilang taon na. Ilang taon mo na akong hindi man lang kinokontak. Ilang taon na kong walang naririnig mula sayo. Ilang taon ka nang hindi nagpaparamdam. Buhay ka pa ba? Tao ka ba talaga? Sino ka ba? Kilala ba talaga kita?! Sayang. Ni hindi man lang kita nakilala. Ikaw, yung totoong ikaw. Yung ikaw talaga. Hindi yung ibang taong ikaw. Mag ingat ka kung nasaan ka man. -Yaya

















