Movie Marathon, Wrestling
Kuhanan ng card namen ngayon at siyempre late ako nagising. Kung hindi pa ako ginising ng mama ko, baka hindi ko na nakuha card ko. Pagdating ko dun, ang dami na pala nila. Bumaba ako ng 1 sa AP tas yung iba tumaas na~ Wala ako line of 8. :) After nun nagpunta kame ng north mall kasi papapalitan namen yung nabili namen dati na hindi gumana, wala pa masyado tao kaya hindi kame pinapasok kaya ang ginawa namen, tumambay sa McDo, wala din kameng nabili _ _"
Habang nagkukulitan, napag-isipan nilang magmovie marathon, so ito ako bore na bore sa bahay kaya sumama. Bago kame bumalik ng North Mall, bumalik muna kame school para kunin yung picture nila kathleen nung recognition. Tas tumambay saglit dun, madami-dami pa kasi tao. Grabe kairita talaga si Aduca, mukha palang (Joke!) tapos lahat nalang pinupuna, katiting na bagay, pinapalaki pa, jusko! Ang sweet nga nila ni Yang-yang eh, tapos nung inaasar namen si Yvonne na okay lang, bigla kong nabanggit si Shem(Basta about sa kanila) nagblush siya! Last time na nagblush siya, inaasar din namen siya kay Shem.
Pumunta muna kame sa North mall, ang kulit pa ni Rofrics at ni Kathleen (the sweet esprens) Nakabili din ako ng isa pang anime CD. Then off to somewhere na. Kumain muna ako samin pati na din si Yvonne. Diretso sa bahay nila pero dinaanan muna namin si Orland.
Boring yung kinalabasan kasi di naman nanonood sila kuya mark at si Orland. Puro naman kame fast forward _ _" Kaya naglaro nalang ng chess, una yung chess talaga tas naging dama tas yung isa yung kabaligtaran ng dama, paunahang makaubos naman.
Nauwi sa kilitian, tas daganan. Nung una kasi nakadapa si Orland pero hindi yung dapang-dapa, kaya dinaganan ko yung parang massage na gamit paa tas nauwi sa daganan. Ang bigat ni Kuya mark _ _" Tapos kahit anong mangyari, kahit na hindi si Orland dinaganan, siya pa rin laging pinaka naaagrabyado.








