Violet is my Thing
Kagagaling lang nga namin ni mama sa centro. Bumili kami nung black ngang v-neck na gagamitin ko sa Wednesday. Tapos nung bumili kaming pasalubong para sa kapatid ko dumeretso na din akong bili ng banana float. Ang sarap kasi eh. Tapos pumunta kami sa Lucky para bumili ng metallic foil ng kapatid ko. Binili ko na din yung ballpen na violet na gustong-gusto kong bilhin. Ang saya ko pag-uwi kasi naalala ko may banana float ako, marshmallow, tapos violet na ballpen hahaha. Parang bata kasi bata pa naman talaga ako, 15 pa lang kaya ako. Sa tingin ko matutulog talaga ako ng masaya dahil sa violet na ballpen na yun!












