Ako nga pala si Vradly.. oo 17 years old pa lang ako at alam kong masyad pa kong bata, pero sa 17 years na pamumuhay ko sa mundong ito, madami na kong na experience at natutunan dito, Oo bully ako, oo malakas ako mang asar, oo tarantado ako, pero maniwala kayo o sa hindi, may pusong mamon to HAHA! May mga pangarap at matino din mag aral :). Hindi ko alam pero simula noong nag Grade 7 ako ang laki ng pinagbago ko, siguro mas naging mulat lang ako, nagkaroon lang ako ng pake sa mga bagay bagay. Sige isama nyo na yung playboy ako "DATI". At sa tingin ko nung nakilala ko tong babaeng to dun nag umpisa yung pagbabago ko. Oo nung una, niloko ko siya, (HEHE) pero sa mga sumunod na araw dahil sa kaklase ko siya, araw-araw ko siyang nakikita. Gabi gabi siyang nasa isip ko, gulong gulo ako noon kung bakit hindi siya mawala sa isip ko. Hanggang sa mag christmas party kami at siya ang una kong nakita. Hindi ako nakapagsalita o nakagalaw non, ewan ko basta gandang ganda ako sakanya noong mga panahon na yun, edi shempre, Llamas e, lam na this, pinormahan ko nanaman HAHA! 7 months kaming naging MU(Mutual Understanding) at dumating na sa puntong naging mag girlfriend at boyfriend na talaga kami. Grade 8, seryoso na talaga ako sakanya. Oo inaamin ko sa dinami dami ng naging girlfriend ko noon, siya lang ang sineryoso ko, bata ko pa diba? HAHA(SORRY NA). Grade 8, unti lang kami sa classroom mga 15 lang pero may mga naging kaybigan ako na tinuring ko na talaga na parang kapatid. Ung kapag kailangan nila ako lagi akong nandyan para sakanila. Ewan ko ba hindi naman ako ganito dati, nung nakilala ko talaga si RR nagbago ang lahat. Hindi ko sila nabibigo kapag may kailangan sila sakin. Hindi ko sila iniiwan. Basta lagi akong nandiyan para sakanila. Nagkahiwalay din kami ni RR ng mga panahon na to pero nagkabalikan din naman, yes forever HAHA. Nagkameron din ako ng interes sa mga bagay na wala naman akong paki dati. Hindi pa ako masyadong nagkakaproblema netong mga panahon na to, sa pag aaral lang HAHA. Grade 9, Naging mas matured ako sobra, oo loko-loko pa din malakas mang asar pero mas lumawak pang intindi ko. Mas naging open ako sa girlfriend at mga kaybigan ko. Mas lalo ko silang minahal kaysa dati. Eto rin ung taon na nag struggle talaga ako sa pag-aaral ko, salamat na lang at sinuportahan ako ng pamilya at girlfriend ko. Eto rin ung taon na lubog na lubog pamilya namin sa kahirapan. Nakakapagpadala pero sakto lang pang bayad ng bills at saktong pagkain. Pero kulang talaga, naiisip ko na nga noon na mag stop sa pag aaral, pero ayaw ni papa, kaya idol ko yun e, hindi nasuko, astig. Oo nga pala, halos 8 years papa ko sa abroad kaya miss na miss ko yun noon e, hindi kasi makauwi, nag nursing kasi yung tatlo kong kuya, naiintindihan ko naman kung bakit hindi siya makauwi :) halos sa kotse na nga lang natutulog yun e tapos dalawa hanggang tatlong oras na lang tulog niya kasi kailangan nyang mag trabaho. Bago mag Grade 10 medyo nakaahon naman kasi may trabaho na sila kuya kaso sa sobrang liit ng sweldo nila dito sa Pilipinas e minsan kulang pa sa pamasahe at pangkaen nila. Grade 10, eto na talaga yung taon na pinakamasakit, at malungkot na naging masaya naman sa huli. Dito nagsabay sabay problema ko. Hinding hindi ko makakalimutan itong taon na to, syempre, hindi naman palaging may pera, lubog nanaman kami, hindi nanaman makapagpadala si papa ng pera, ang masama pa don, pinalayas siya ng sarili niyang mga kapatid sa bahay nila. Hindi ko din alam kung bakit nila yun ginawa, walang matulugan papa ko non, alalang alala ako noon, nahospital pa kuya ko inoperahan walang pambayad sa hospital, iniwan pa ko ng taong mahal ko, yung mga kaybigan na tinuring kong kapatid? wala din. Mga panahon na yun walang wala din talaga ako. Hindi ko alam kung kanino ako lalapit, ayaw ko nanamang dumagdag sa pamilya ko. Oo masyado pa kong bata para mamroblema pero may nararamdaman din ako. Hindi ako robot, Hindi kami pinabayaan ni God, may tumulong kay papa may matuluyan at binigyan ng pera para makapagpayad sa hospital, nagkabalikan din kami ni rr noon, Yung mga kaybigan ko? ... Umpisahan natin sa kung pano ko sila tinrato na parang kapatid, Umpisahan natin sa kung pano hindi ko sila iniwan, Umpisahan natin sa kung panong laging nandiyan ako para sakanila, Isa lang pinamukha nila sakin non.. ako lang ang nag iisip na pamilya na ang turingan namin, Akala ko walang wala na ako, hanggang sa, ginising ako ni Rr sa katotohanang nandiyan siya para saakin. Pagkatapos ng grade 10, nag desisyon na akong lumayo sa mga kaybigan ko, nag desisyon na din akong hindi ko na ituturing kapatid mga kaybigan ko. Dahil tinanggap ko na walang permanente sa mundo.