"Been there, done that"
I was a "tambay" before sa Trinoma garden. Siguro, kung University lang ang Trinoma, batch 2013-2014 ako. Hahaha. Natatandaan ko pa, every Wednesday at Saturday M.U. namin. Puro kami kabataan, iba iba ang kinalakihan, at iba iba ang pinanggalingan. May mga nag-aaral pa, may mga trabaho na, at yung iba pahinga muna. May mga scholar, may mga talented, may mga richkid, may mga social climber, may mga couples, may mga gwapo't magaganda, may mga sawi sa pag-ibig, may mga malalandi, may mga ahas, may mga tahimik, may mga umaasa, at may mga famous (yung tipong na-eexpose talaga sa tv shows). Pumupunta kami don para magkitakita, para mag-enjoy, para makatagpo ng bagong kaibigan, para mag-explore, para tanggalin ang stress sa school at para takasan ang mga lungkot sa problema kahit panandalian lang. Madalas sa may tapat kami ng Redbox or malapit sa TGIF nakatambay. Karamihan mga Twitter users ang nandon. Then sa stage, puro mga Fb users naman. Natatandaan ko pa puro yosi, kwentuhan, kain sa foodcourt, magtrip sa escalator, mag-ingay sa daan, sumayaw sa "just dance", at kumanta sa videoke ang ginagawa namin tapos kapag magsasara na yung mall, gagala pa sa ibang lugar. YOLO kung YOLO. Aminado ako, sa pag-oobserve ko, may times na nakakagulo kami sa mga taong namamasyal sa mall. Katulad na lang ng away magkaibigan na muntikan na maghulugan sa pond o kaya naman yung ibang grupo na sobrang ingay kung magsama sama na parang sila lang yung tao sa garden. Kaya naiintindihan ko yung feeling ng mga binabash ngayon na mga tumatambay sa Trinoma. Pero yung ibang binabato sa kanilang issue, di ko pa nagagawa. Haha! Dumating sa point na medyo dumadami na noon yung tambay sa Trinoma plus sa sobrang tindi ng traffic at haggard ng byahe sa mrt, yung kaming mga taga-South, sa MOA naman tumambay, sa may seaside malapit sa Padis Point. Haha. Dumalas pagtambay namin. Dumating sa point na muntikan na namin maging bahay yung MOA. Yung tipong sa sobrang dalas namin don, kabisado na namin yung loob ng MOA. Hahaha. As time goes by, narerealize ko yung mga bagay bagay sa mundo. Yung tipong habang patanda ako ng patanda, may mga "goals" akong gusto kong i-achieve para sa sarili ko. I focused there, hanggang sa dumating sa point na tinamad na kong pumunta ng Manila. And now, habang tinatype ko 'to, natatawa ako sa mga pinaggagagawa ko noon. Feeling ko wala akong ginawang makabuluhan noon. Pero aaminin ko, naging masaya ako. Sobrang daming memories. Nakakamiss. Lalo na yung mga taong nakasama ko noon. Kaya kung may mga batikos man na ibinabato sa inyo dahil sa pagtambay niyo sa Trinoma or kahit saan man, intindihin niyo na lang kasi may point talaga sila. Balang araw, malalaman niyo rin at darating kayo sa point nila na kayo naman ang mangbabash sa mga tumatambay sa Trinoma or kahit saan man. Hahaha!














