Aug. 26, 2020 – first meeting to ng online class with Sir Jhe sa course kong POLSCI. Dahil merge yung class, syempre halo-halo na yung mga students galing sa mga iba’t-ibang HUMSS sections. As what I’ve expected, merong pa-introduce yourself and may tanong na “Bakit POLSCI?” kaya mga ilang araw akong nagpractice. Ready na ko that time, pero akala ko lang pala. Iba pa rin kasi talaga yung sa ineexpect mo lang, sa bigla mong maririnig na mismong lumabas sa bibig ng Prof mo.
So ayan nanaman, umaatake nanaman yung anxiety. Pilit kong pinapakalma yung sarili ko and paulit ulit ko rin sinasabi na “okay lang yan, alam mo naman yung sasabihin mo”, but then hindi pa rin ako makapagfocus sa sobrang bilis ng heartbeat ko, tapos my hands were shaking, hindi ako mapakali and pinagpapawisan ako kahit naka-aircon. I can’t think straight, ang dami daming pumapasok sa isip ko tulad ng: “ baka magcrack yung boses mo mamaya, kailangan ayusin mo”, “kailangan hindi ka uutalin”, “kailangan maganda sagot mo”, “kailangan presentable ka”, “kailangan hindi ka gagawa ng kahit anong kamalian at makapagleave ka ng good impression sa mga classmates mo” and so on.
I felt like crying and nappressure ako kahit na ang simple lang nang gagawin. Hindi ko na ma-cheer up yung sarili ko hanggang sa tuluyan na ko kinain ng takot at negativity. So, I decided na “Wag na lang muna. Next time I will do my best and babawi talaga ako.” In a snap, dun ko naramdaman yung peace of mind, yung hands ko onti-onting nagsstop sa pagshake and medyo kumakalma na yung heartbeat ko.
Hindi ako nagopen ng cam, hindi ako sumagot habang naririnig kong tinatawag na yung pangalan ko ng tatlong beses. Hindi ako sumipot nung naghihintay sila. At hindi pa rin ako sumipot nung binalikan yung pangalan ko. I feel bad actually hindi lang sa sarili ko pero sa Prof ko rin. Nakonsensya ko kasi he thinks na may problema sa wifi connection ko pero yung tunay na problema yung sarili ko. I wish I can say na, “Sorry sir, natakot ako, nasira po ako, naghang po ako.” Instead of saying na “Naghang po yung laptop ko.”
Siguro ako na yung taong pinakatakot sa buong mundo sumubok. Siguro ako na yung taong walang magandang patutunguhan dahil may choice akong atrasan. Pero hindi ko pwede iclaim sa sarili ko yung gano’ng choice of words dahil mas kilala ko ang sarili ko kesa sa iba. Mas nauunawaan ko ang sarili ko kesa sa iba. Takot ako pero di ko sinabing sa lahat nang oras matatakot at aatrasan ko.
Mahalaga lang na nauunawan natin ang sarili natin, dahil dito natutunan natin na maging mapag-pasensya, kalmado at tanggapin ang kung sino tayo. Hindi ‘man nagiging madali at palagi tayo pumapalpak, ang mahalaga alam natin sa sarili natin na ginagawa natin yung best version to be us. Walang masama kung pipiliin mong magpahinga, walang masama kung pipiliin mong umatras. Walang masama kung pipiliin mo muna ang sarili mo. Hindi mo kasalanan kung hindi mo kaya. Hindi mo kasalanan kung bakit ka naghihirap.
Padahan-dahan.
Paonti-onti.
Paisa-isa.
Bago pumasada.