Ako kasi, ayaw ko talaga ng natatambakan ako ng requirements. Napapraning ako kapag nakakakita ako ng maraming nakalista sa “to-do list”, kaya hanggat maaga pa ginagawa ko na agad. Sobrang importante rin sa’kin ng oras kaya hindi ako sanay na nagccramming ako.
Pero hindi talaga ako masipag, napapakilos lang ako ng ‘takot kong matambakan’. At sobrang hindi sya okay para sa’kin kahit sabihin na natin na maaga akong nakakatapos then puro freetime na ko. Sa katunayan, sarili ko yung nao-overworked lalo na kapag dumating na yung araw na sabay-sabay na mga teachers magbigay ng tasks. Madalas pinaplano ko na kung ano yung uunahin, ano oras ko sasagutan, kailan day ko gagawin. Minsan ang nangyayari nyan, sa isang araw kailangan ko magsagot ng 5 tasks and syempre dahil depende sa hirap na ipapagawa, madalas pinagpupuyatan ko dahil lagi ko tinutupad yung goal ko na “ay ito kailangan tapos ka na ngayon”. Kahit mga 2 to 3 weeks pa deadline o kaya umabot pa ng one month.
Kapag gumagawa ako, hindi ko napapansin na mali yung ginagawa ko. Hindi ko napapansin na kulang na pala ko ng oras para sa sarili ko at sa ibang tao. Hindi ko napapansin na nao-over work na pala ko, na sobra sobra pala sa isang araw yung ginagawa ko. Kasi sa totoo lang, sa sobrang busy ko, nakakalimutan ko lahat. Tapos yung oras ewan ko ba, sobrang bilis ata? Kaya balewala lang, go lang. Kaya pag oras na ng deadline, ako yung tipong pachill chill na lang, tapos titignan ko kung pano lahat magcram yung mga taong na sa paligid ko, at sa kung paano nila ko i-expect na nagccram din ako.
Okay na eh, ang organize lahat ng plano pati ng list. Nakakatapos rin ako nang maaga, napagiisipan ko lahat, pero yung mali, hindi ko talaga alam na nasosobrahan pala. Mapapansin mo lang talaga na hindi okay yung ginagawa mo kapag bigla mong naisip na nakalimutan mong i-check yung isang tao, kapag napatingin ka sa oras, alas-tres na pala nang umaga. Kapag nadrain ka bigla out of nowhere, tapos mawawalan ka nanaman ng gana sa lahat-lahat.
Kaya yung payo ko, okay lang naman maging organized sa lahat at maging masipag pero:
1. Hindi to the point na nakakalimutan mo na rin ipahinga yung sarili mo. Yung utak na wala na ibang inisip kung hindi yung gagawin na requirements. Yung katawan at likod na tipong kahit simpleng stretch hindi na nagawa. Tapos yung mata, walang pahingahan, 8 hrs nakaharap sa screen. Tapos hindi ka na rin nakakainom ng tubig, hindi na nakakain ng maayos dahil focus mo yung requirements.
2. Hindi to the point na makakalimutan mong magbigay ng oras sa mga taong nageexpect ng tulong mo o oras sayo. I mean, sa sobrang busy natin, hindi natin alam na may nakakalimutan pala tayo sa labas ng requirements. Alam mo yon, nakakalimutan mong may kaibigan ka na may ready to chika pa. This person might feel na nakakaistorbo sila sayo or something na di ka na sakanila interesado. Hanggang sa matapos ka na lang sa lahat ng requirements mo, sabay tapos na rin pala yung relation and connection mo with this person. Boom combo ka don.
Ang akin, kailangan binibigyan mo dapat parehas ng equal time. Sa sarili mo, sa ibang tao, at yung requirements. Hindi sosobra sa isa, tapos wala ng oras sa iba. Suriin mo nang maayos kung paano mo gagamitin at hahatiin ang oras kada isa. Sa point na yon, ang talino mo. Hindi lang tumaas grades mo, pero mas nabuild mo yung connection nyo sa isa’t-isa at stable yung mental, physical and emotional health mo. Solid combo ka don :’)
Ayoko ng asynchronous class lalo na kapag buong araw, maghihintay ka lang ng ipapagawa, PPT’s or announcements nila. Yung mahirap lang dito may mga ibang prof na magbibigay ng task pero di pa nila natuturo.
Pero syempre para sa mga may halong asynchronous and synchronous class sa buong maghapon, napakaimportante na rin nito para sakanila.
You can use this time para makapagpahinga for a while o kaya work from other activities or review kung sinisipag.
Synchro o asynchronous ‘man yan, always keep up the good work guyssss!!
Sa dami ng ginagawa, hindi ko na alam kung estudyante pa ba ko, o taga-hugas , taga-linis ng bahay, bakery assistant, o printer. Nakakapagod na. Halo-halo ng mga ginagawa, sama-sama, hindi ko na alam kung saan kukuha ng pahinga. Hindi ko na alam kung ano yung mga dapat unahin.
Minsan sobrang pagod ko, wala nang tumatakbo sa isip ko. Sa sobrang pagod di ko na maramdaman sarili ko. Maiiyak ka na lang talaga minsan dahil gusto mo na sumuko sa lahat ng bagay. Tipong ayaw na ng katawan mo pero kailangan mo pa rin tumayo.
Kung pwede lang matulog ng isang linggo o higit pa para lang makapagpahinga gagawin ko na. Kung pwede lang umalis dito sa mundong to gagawin ko na.
Ganon naman talaga buhay, mapapagod at mapapagod at mapapagod at mapapagod tayo. At kahit na ilang beses pa natin sabihin na ayaw na natin, suko na tayo, hindi naman nangyayari.
Pero ito ang mga kailangan mong tandaan kung sakaling pagod na pagod ka na:
1. Okay lang magbreakdown. Kung kailangan mong iiyak, iiyak mo lang yan. Kung kailangan mong isigaw na pagod na pagod ka na, isigaw mo. Sa ganitong mga simpleng gawain, tinutulungan mo sarili mong tanggapin yung mga nararamdaman mo at walang mali kung pagod ka na. Dahil sa katunayan, hindi naman sa lahat ng oras kailangan puro na lang positive, minsan yung mga pagcheer up mo sa sarili mo ayun pa yung nagpapadrain sayo. Pagod ka? Okay lang yan.
2. Wag mo kakalimutan na mag a lot pa rin ng time para sa sarili mo. Kahit for 15 mins, bigyan mo ng pahinga yung sarili mo sa lahat ng gawain. Itulog mo, ikain mo, manood ng kahit ano. Alam mo yon, “me time”.
3. If you feel drained dahil sa sobrang pagod, wag mo na pilitin yung sarili mo magtrabaho. Wag mon a pilitin yung sarili mo na may kailangan ka pang gawin, tao tayo hindi robot. For me, ang ginagawa ko madalas, hindi ako humahawak ng phone, I spend my time with my other siblings o kaya do other things like pagbibike. And usually sa lahat, favorite part ko yung tumitingin ako sa sunset or stars tapos ramdam ko yung malamig na hangin. Then hinahayaan ko lang na magflow yung mga naiisip ko and wala ko kinontrol.
Pano kapag pinapili ka sa dalawang bagay tapos di mo naman gusto parehas?
Gusto mo yon? Yung papiliin ka sa dalwang sub na di mo rin naman gusto? O kaya sabihin natin, papiliin ka sa dalawang bagay na hindi mo rin naman gusto?
Hindi gusto- hindi ko ibigsabihin dahil “hindi ko lang gusto”. Pero hindi ko gusto means, tingin mo nakakasama sayo yung ganong mga bagay. Wala sa personality mo, wala sa level ng kagalingan mo. Yung tipong di ka don sasapat. Di ka don nababagay.
Nakakatakot kaya sa POLSCI, matic yung mga klasmeyt mo dyan sobrang active, mga matatalino, magagaling makipagdebate. Tapos kapag Performing Arts naman, sayawan tas pakapalan mukha. Pano yon wala ko non?
Hirap nung mapipilitan kang pumili ng isa tapos ang layo dun sa gusto mo, dun sa alam mo na kaya mo. Pero ganon naman talaga di ba? May mga choices na di natin gusto pero mapipilitan tayong pumili.
Kapag napunta ka sa ganon:
1.Pagisipan mo muna nang mabuti.
Kung makakatulong ba yun sayo sa paggrow mo. O kaya kung ano yung sa tingin mong mas kailangan mo sa ngayon.
2. Tandaan mo rin na hindi lang dun umiikot yung pagpili, may dagdag isa kung choice mo na hindi pumili :))
Dahil online class, panigurado workload tayo, stress at pagod na. Kaya water break muna tayo dyan. Kahit gaano pa karaming tasks wag kakalimutan uminom ng tubig, magpahinga, at stretch stretch ng katawan. Lavern lang mga kapatids matatapos rin tayo.
Aug. 26, 2020 – first meeting to ng online class with Sir Jhe sa course kong POLSCI. Dahil merge yung class, syempre halo-halo na yung mga students galing sa mga iba’t-ibang HUMSS sections. As what I’ve expected, merong pa-introduce yourself and may tanong na “Bakit POLSCI?” kaya mga ilang araw akong nagpractice. Ready na ko that time, pero akala ko lang pala. Iba pa rin kasi talaga yung sa ineexpect mo lang, sa bigla mong maririnig na mismong lumabas sa bibig ng Prof mo.
So ayan nanaman, umaatake nanaman yung anxiety. Pilit kong pinapakalma yung sarili ko and paulit ulit ko rin sinasabi na “okay lang yan, alam mo naman yung sasabihin mo”, but then hindi pa rin ako makapagfocus sa sobrang bilis ng heartbeat ko, tapos my hands were shaking, hindi ako mapakali and pinagpapawisan ako kahit naka-aircon. I can’t think straight, ang dami daming pumapasok sa isip ko tulad ng: “ baka magcrack yung boses mo mamaya, kailangan ayusin mo”, “kailangan hindi ka uutalin”, “kailangan maganda sagot mo”, “kailangan presentable ka”, “kailangan hindi ka gagawa ng kahit anong kamalian at makapagleave ka ng good impression sa mga classmates mo” and so on.
I felt like crying and nappressure ako kahit na ang simple lang nang gagawin. Hindi ko na ma-cheer up yung sarili ko hanggang sa tuluyan na ko kinain ng takot at negativity. So, I decided na “Wag na lang muna. Next time I will do my best and babawi talaga ako.” In a snap, dun ko naramdaman yung peace of mind, yung hands ko onti-onting nagsstop sa pagshake and medyo kumakalma na yung heartbeat ko.
Hindi ako nagopen ng cam, hindi ako sumagot habang naririnig kong tinatawag na yung pangalan ko ng tatlong beses. Hindi ako sumipot nung naghihintay sila. At hindi pa rin ako sumipot nung binalikan yung pangalan ko. I feel bad actually hindi lang sa sarili ko pero sa Prof ko rin. Nakonsensya ko kasi he thinks na may problema sa wifi connection ko pero yung tunay na problema yung sarili ko. I wish I can say na, “Sorry sir, natakot ako, nasira po ako, naghang po ako.” Instead of saying na “Naghang po yung laptop ko.”
Siguro ako na yung taong pinakatakot sa buong mundo sumubok. Siguro ako na yung taong walang magandang patutunguhan dahil may choice akong atrasan. Pero hindi ko pwede iclaim sa sarili ko yung gano’ng choice of words dahil mas kilala ko ang sarili ko kesa sa iba. Mas nauunawaan ko ang sarili ko kesa sa iba. Takot ako pero di ko sinabing sa lahat nang oras matatakot at aatrasan ko.
Mahalaga lang na nauunawan natin ang sarili natin, dahil dito natutunan natin na maging mapag-pasensya, kalmado at tanggapin ang kung sino tayo. Hindi ‘man nagiging madali at palagi tayo pumapalpak, ang mahalaga alam natin sa sarili natin na ginagawa natin yung best version to be us. Walang masama kung pipiliin mong magpahinga, walang masama kung pipiliin mong umatras. Walang masama kung pipiliin mo muna ang sarili mo. Hindi mo kasalanan kung hindi mo kaya. Hindi mo kasalanan kung bakit ka naghihirap.
Padahan-dahan.
Paonti-onti.
Paisa-isa.
Bago pumasada.
Oras nanaman para matulog nang maaga at gumising nang maaga. Kita kits nanaman kayo ng teachers and klasmeyts mo. Susulputan nanaman yung mga homeworks and seatworks nyo kaya GOOD LUCK SA ATIN! lavernlang <3
“Kung uunahin mong isipin ang iisipin ng iba, paano ka magiging masaya?”
I first created my blog account sa IG for my PT kaya lang i am unsure about some other things and natatakot ako magpost kaya i deleted it. A day after my Prof said na kailangan na gumawa ng blog, pinagisipan ko kaagad and nagdecide ako na sa IG gawin. That week naramdaman ko na yung sobrang pagkapressure ko. I planned themes, topics, schedules kung kailan ko ipopost, yung magiging layout, who to follow and such things.
I am socially anxious. Posting on my social media accounts is not my thing, knowing na kakilala ko rin yung mga mangbabasa, natatakot at kinakabahan akong majudge o kaya baka hindi nila magustuhan yung posts ko. 2 days before yung nakaschedule kong post ng first blog, dina-doubt ko sarili ko sa lahat ng naplano ko and finished drafts na ready to post na. Kakaoverthink, ayun nagkagulo gulo ako hanggang sa hindi ko na rin alam "ano ba ang blog?" So i asked for help sa mga kaibigan ko. They gave me creative ideas, advice and tips pero ang pinakasinunod ko lang ay "wag na sa IG kasi makukulangan ka sa pagexplain". After no’n, i deleted my account agad agad then gumawa na rin ako ng Tumblr. At the end, sinunod ko pa rin kung ano yung mga plano ko nung una dahil ayaw ko naman masayang lahat ng napagisipan ko. I also trust myself and ideas after ko makinig sakanila, i just needed the assurance na tama yung ginagawa ko.
I am glad na naglakas loob akong kausapin sila. That time i feel low, na medyo exhausted na tapos napa-praning na rin ako.
Ang lungkot lang talaga na, dina-doubt pa natin sarili natin kahit na alam naman natin na we were doing our best. Masyado kasi natin iniisip kung ano yung magiging reaksyon ng ibang tao and mga judgements na makukuha mo. Kaya ang stressful dahil feel natin kailangan perfect sa mata nila. Pero hindi ba't sa lahat naman ng ginagawa natin may mga judgements? Mapasama o mapabuti meron at meron silang masasabi.
Sa akin lang, una, pagkatiwalaan na lang natin yung sarili natin sa mga kakayanan na meron tayo. Wag natin pangunahan at intindihin ang iisipin o sasabihin ng iba, dahil dito pinipigilan nitong gawin natin ang mga bagay na gusto natin. Paano tayo sasaya? Paano yung sarili natin? Hanggang dito na lang ba? Kailanman di ka magiging kuntento kung di ka magpapakatotoo sa sarili mo.
Pangalawa, never be afraid to for ask help from others or company lalo na kung kailangan na kailangan mo and na sa sitwasyon ka na dina-doubt mo lahat ng bagay. Sometimes we all just need reassurance at walang mali kung hihingiin natin to sa iba.