Nung ikaw ay Bata pa Ang lahat ay masaya🎶🎵🎼 #EheadsFan #walangnagbago #06032017💜

seen from United States
seen from Türkiye

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Brazil
seen from China
seen from Brazil

seen from United Kingdom

seen from Malaysia
seen from Brazil

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Russia

seen from Russia

seen from T1
seen from United Kingdom
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United States
seen from Türkiye
Nung ikaw ay Bata pa Ang lahat ay masaya🎶🎵🎼 #EheadsFan #walangnagbago #06032017💜
Umiikot ang mundo, Hindi humihinto...
Minsan sinisisi ko na din ang sarili ko kung bakit nagkaganito ang kalagayan ko. Walang saya, satisfaction, at contentment. Madalas kong maisip na marahil ako nga ang dahilan kung bakit andito ako ngayon sa lugar kung saan hindi ko naman ginustong marating. Naging duwag kasi ako, eh. Hindi ako naging matapang na tumayo at magsalita para sa kung ano ang gusto ko talagang gawin sa buhay ko. Isa pa, hindi ko napagdesisyunan ng maayos ang mga bagay na kinailangan ng masinsinang pagdedesisyon. Hindi ko naman akalain na ganito ang kahahantungan ng madaliang desisyong ginawa ko na base lang naman sa mga nabalitaan at nababasa ko. Dahil sa maling desisyon ko, naapektuhan na lahat ng aspeto ng buhay ko. Ang pagtingin ko sa sarili ko, ang magandang pag-husga ko sa mga taong nasa paligid ko, ang priorities ko, ang relasyon ko sa mga kaibigan ko, at ang pagkakakilala ko sa sarili ko. Lahat yon, nalusaw na parang bula. Na sa loob ng halos walong buwan, bigla na lang naglaho. Na para bang nagising na lang ako isang araw na wala na ang lahat ng bagay, tao, lugar at maging mga pangyayari na bumuo sa pagkatao ko ilang taon pa lamang ang nakakalipas. Maging ang persepsyon ko sa munting mundo na ginagalawan ko, nag-iba. Para bang lahat na lang nang gawin ko'y walang kabuluhan, nawala na lahat lahat... Sa loob ng tila ba habangbuhay na pag-iisip kung sino ba ang nagkamali para sapitin ko ito at sa paghahanap ng mga bagay kung saan maari kong ipukol ang sisi, ito ako ngayon, umaamin na sa kabila nang lahat ng kamalian ng mundo sa akin, ako pa rin ang nagdala sa aking sarili sa landas na ito... Gusto ko sanagn lumabas, lumiko, bumalik. Gusto ko sanang tumahak sa mas malinaw na landas, yung alam ko kung saan ako tutungo. Pero halos lahat naman ata, malabo. Parang blurred lines kumbaga. Hindi ko, at hindi kaya ng kahit sino man ang makita kung saang landas ba ako makakakuha ng magandang kahihinatnan.
Kaya eto na ako ngayon, bahagya na akong nagkakaroon ng lakas ng loob na suungin ang laban na noon ko pa dapat hinarap. Ayoko nang tumalikod sa hamon na ito. Ayoko nang magbulag-bulagan sa katotohanan. Ayoko nang magpagapi sa desisyong hindi ko ginusto. Gusto ko nang bumangon. Ayoko nang magpakulong.. Nawa'y tulungan ako ng Diyos. At sa pakikipagtuos ko sa aking sariling pagkakamali, sana'y mabalikan ko pa ang mga alaalang naghulma sa akin sa pagiging ako. Yung ako na minahal nila, at nagmahal din sa kanila. Wala na akong pakielam sa salapi o anumang bagay na naiwan ko sa nakaraan. Nais ko lamang sanang mabalikan ang mga ala ala, karanasan, mga kaibigan, at ang sarili ko na naiwan ko sa pagpili ko sa maling daan na tinatahak ko ngayon.. Nais ko sanang maging ako ulit.. na para bang Walang Nagbago..