"We love him but we can't have him."
Hindi maikakaila ang pagibig na iyong nadarama para sa kanya. Kahit anong tago mo ng sakit, sa likod ng iyong matatamis na ngiti at tawa, kitang kita sa iyong mga mata ang pagmamahal na inaalay mo para sa kanya. Pagmamahal na para lamang sa kanya. Pagmamahal na binalewala niya. Pagmamahal na nasayang dahil hindi ikaw ang gusto niya. Sa puso mo’y siya na nga, ang ipaglalaban mo sa buong mundo, ang gusto mong makapiling sa buong buhay mo ngunit hindi ayon ang tadhana, Ang puso niya ay nabibilang sa iba. Sa taong mas karapat-dapat daw para sa kanya, sa taong mas higit na kailangan niya, sa taong pilit niyang hinahabol dahil ito raw ay mahal niya.
Ikaw ay nasaktan sa kanyang tinuran. Mundo’y lumiit, ang dating makulay at masaya ngayon ay puno ng puot at kaguluhan. Sakit na patuloy na dumudurog sa mga memoryang tila kahapon ay kay saya niyo pa. Sakit na pilit mong kinakalimutan sa bawat pagpikit ng iyong mata. Sakit ng patuloy na bumabalik sa tuwing nakikita mo siya.
Ngumingiti ka dahil sabi mo ika’y masaya para sa kanya. Pinipilit maging masaya. Itinatago ang lungkot at sakit dahil sabi mo siya’y masaya na. Pilit kinakalimutan ang mga bagay na inyong pinagsamahan dahil sabi mo tama na, dahil sabi mo hindi na mauulit pa.
















