The best kainans/hangout places around UST.
Sa mga freshmen diyan na nauubos na yung allowance dahil sa kakakain sa mga fast food restaurant sa carpark, eto ilang mga lugar na puwede niyong kainan saka mga lugar na puwede kayo mag-hangout para maibsan naman yung stress ninyo. Saka para hindi na rin siksikan sa carpark. HAHAHAHA :)
Ito yung pinaka-dabest na tapsilog-an sa UST. Located siya sa may Piy Margal St. sa Lacson. Kaya ko nasabi na the best tapsilogan to eh dahil sa super sulit na tapsilog nila. Sa 48 pesos mo, you have a large serving of tapa, fried egg and two cups of fried rice. Perfect para sa mga taong nagtitipid. Parang endorser lang ako ng Ilar's hahahahaha.
Dalawa yung branch nito, isa sa may malapit sa Starbucks sa Dapitan saka isa sa may Asturias St. Sulit din 'to kasi 40 pesos lang, may apat na malalaking siomai ka na with rice. At paalala lang, sobrang anghang ng chili nila, yung tipong naiinitan na pati kalamnan mo. Hahaha. Kaya kung magpapalagay kayo, sabihin niyo konting-konti lang (medyo madami pa rin kasi yung "konti" para sa kanila) or huwag na lang kayo magpalagay. I-rerecommend ko yung quail egg siomai nila na isa sa mga paborito ko.
Sa Dapitan 'to. Yung sa building kung nasaan yung C&E bookshop saka yung BDO. Napakaraming menu dito. Puro mura pa. May combo meals sila dito. Mashed potato + iced tea + java rice and ulam.
Tama ba yung spelling ko? LOL. Anyway, hindi kainan itong Farroncino kundi isang stall na kung saan mabibili mo yung kape na kasingsarap ng kape sa Starbucks. Sa may Concepcion St. yata yun if I'm not mistaken. Sa may street nung KFC. makikita niyo yung stall sa may tapat ng Perpetual, malapit sa moon leaf. Yung mga price ng kape nila dito eh 39 for tall, 49 for grande tapos 59 for venti. Perfect para sa mga gustong manatiling gising habang may nag-didiscuss na boring na prof. Oops.
Sa maniwala kayo o sa hindi, ganito talaga ang pangalan ng Tea shop na ito. In fact, pagmamamay-ari ito ng kaklase ko na si Marius Siy. Hi Marius! Super sarap ng milktea nila dito tapos may libre pa pag birthday mo. JOKE. HAHAHAHA. Pag isa sa mga kaklase/ka-batch namin na OT ang may birthday, nililibre ni Marius ng milk tea. Hindi pa nga ako nalilibre kasi suspended yung klase nung birthday ko. HAHAHA. Ma-rerecommend ko yung rock salt with cheese. Super sarap nito. :D
Dalawa din yung branch nito. Isa sa may Asturias, sa tapat ng Dimsum Treats saka isa sa may malapit sa bilyaran. Nakalimutan ko yung pangalan ng street na yun. Hahaha. Magkaiba yung presyo ng milk tea sa dalawang branch. Mas mahal ng ten pesos yung sa Asturias kasi mas mahal yung renta nila doon. Madalas ako bumili ng milk tea dito kasi super sarap. As in. At isa lang din yung flavor na binibili ko. Yung Golden Sun. Malilimutan mo yung pangalan mo pag natikman mo to. Joke lang. Hahaha. Hindi ako mahilig sa tsaa pero lagi akong nainom ng Golden Sun kasi lasang gatas siya.
Madalas kami tumambay dito nung 1st year pagkatapos ng p.e. namin. 1-3 kasi yung time saka softball pa yung p.e. namin kaya init na init kami. Masarap yung Vanilla Caramel nila. Yun yung lagi naming iniinom na pampalamig.
Napakaraming branches nito around UST. Ito yung tambayan namin ng mga roommates ko pagkatapos ng finals sa 1st sem at 2nd sem. Perfect na tambayan pagkatapos ng exams pero maliit lang yung cubicle. Pang-limang tao lang. Isa sa vocals, bass at guitar, drums, saka keyboard. Ilang Rockband lang yung may keyboard. Saka huwag rin kayong mag-alala kung marinig ng ibang tao yung "golden voice" mo kasi soundproof naman yung cubicle. Usually punuan to kapag last day ng classes kaya mag-pareserve kayo. Kayo na bahalang mag-explore kung nasaan yung mga Rockband. Hahaha.
Pasensya na kung puro Dapitan at Lacson lang yung mga lugar na nakalista sa taas. Bihira kasi kaming magawi sa P. Noval eh. Try niyo kumain sa Lopez Canteen saka sa Mang Tootz. Try niyo din yung mga fried isaw, kwek-kwek saka piaya sa may Lacson gate.
It's about time na i-unleash niyo yang pagka-Dora the Explorer ninyo. Madami pa kayong mahahanap na mura at masarap na kainan around UST. :D