
Discoholic 🪩
official daine visual archive
tumblr dot com
Stranger Things
I'd rather be in outer space 🛸
Sade Olutola
One Nice Bug Per Day
sheepfilms
KIROKAZE
he wasn't even looking at me and he found me
art blog(derogatory)

No title available
Not today Justin
No title available

No title available

if i look back, i am lost
Claire Keane

Janaina Medeiros

oozey mess
Misplaced Lens Cap
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from T1
seen from United States

seen from United States
seen from Canada

seen from United States
seen from Italy

seen from Japan

seen from Poland
seen from Greece
seen from Ecuador

seen from Pakistan
seen from United States

seen from T1
@weirdandintrovertkid
It's been a while, Tumblr.
thank you so much sa tips! :)
You're welcome. :D
im actually really afraid that no one will fall in love with me
nakakapressure po ba? i mean kasi lahat ng nasa course na OT, matatalino and mahirap kasing pumasa :) (Ate pahingi pang tips sa first day, pleasee? ) Thank You! :)
Alam mo anon, nasa iyo na kung paano mo i-handle yung pressure. At take note, hindi lahat ng nasa OT ay matatalino. Sadyang masisipag lang kami mag-aral. Oo, kasama ako dun. HAHAHAHAHAHA. Yung tipong tatlo hanggang apat oras na lang yung tulog at tuloy-tuloy na yung aral mula madaling-araw tapos mag-peprepare ka na lang para pumasok sa school. Yung ganoong sipag sa pag-aaral. Pero sa 3rd year pa naman yun, pag ang mga subjects eh puro major. Ang tingin ko kasi sa iyo eh freshie pa lang. So medyo mag-chill ka muna. HAHAHA. Para naman sa first day, ang tip ko sa iyo eh makisalamuha ka sa mga kaklase mo. Parang ako, iba’t-ibang grupo muna yung sinamahan ko bago ko nakilala talaga yung barkada ko. (Hi Lia, Jo, Jess, Deen at Dan!) Saka yung magiging barkada mo eh sila yung makakasama mo sa hirap ng buhay sa kolehiyo. Hahahaha. So ayun, good luck! :D
hi ate! how did you introduce yourself nung first day? :) name and where are you from Lang ba?
Oh, shoot! Sorry ngayon ko lang nabasa. Anyway, name and school where you came from. Kung gusto mo idagdag yung birthday okay lang. Pero may twist yung introduction namin noon. Kailangan mong sumagot ng question from the person that's next to you. Lakas kasi ng trip ng prof namin eh. HAHAHAHAHA. Pero huwag kang kabahan. Just smile and chill, yeah? Saka kung kaya mong gawing unique yung introduction mo, why not? Sabi nga nila, first impressions last. :)
just woke up 2 find jill slid this under my front door
i put it in and it is actually “so yesterday” 17 times over. my friends are really good sometimes
nagrereshuffle po ba ng sections sa OT? if yes, ilang times po?
Yes, nag-rereshuffle tayo. Every year :))
What makes St. Martin de Porres building (Medicine Building) unique?
1. Cadaver and specimens. Tama, madaming kung ano-anong specimen sa building natin. Mapa-fetus man yan, kamay, paa, internal organs sa 1st floor, mga bangkay sa 3rd floor - you name it, lahat meron.
2. Tundra rooms. Kadalasan, ito yung room ng CRS sa first floor. (121, 123, 125, 127) Kaya ko nasabing tundra rooms iyang mga iyan dahil sobrang lamig diyan, swear. Kung minsan eh kulang pa yung isang patong ng jacket. Hahahaha.
3. Non-existent fifth floor. Pag paakyat ka ng 6th floor at galing ka ng 4th floor, mapapansin mo na walang 5th floor. Seryoso, wala talaga. Yung totoo kasi, portal yung 5th floor papunta ng Hogwarts kaya nawawala siya. HAHAHAHA joke lang. From 4th floor, diretso 6th floor ka na. Galing no? Hahahahaha.
4. Elevators. Well, lahat naman ng buildings sa UST eh may elevator. Pero ang unique sa building natin eh hindi ka puwedeng gumamit ng elevator kahit sa 6th floor pa yung klase mo. Puwera na lang kung na-injure ka at hindi kayang gumamit ng hagdan.
5. Medicine Auditorium. Dito ginaganap ang ilan sa mga cool events sa ating unibersidad. Ito kasi yata yung pinakamalaking auditorium sa UST (I'm not sure ah. HAHAHAHA) Take note, sobrang lamig din dito. Masarap matulog. Hahahaha. Saka madalas kaya bumibisita yung taga ibang college sa building natin kasi dito yung destination nila. Kaya nga tuwang-tuwa kami ng mga friends ko kapag may mga taga ibang college na pumupunta sa med audi kasi nakakapag-boy hunting kami. Hahahaha joke lang. Aral muna kayo uy.
6. Daanan papunta ng hospital. Kapag nasa 6th floor kasi kami, pumupunta kami sa hospital para bumili ng iced coffee or juice doon sa cool na vending machine sa hospital. Perfect sa mga nilalang na inaantok na sa discussion. Kayo na bahalang mag-explore kung saan yun sa ospital. Hahaha. :))
Kulang pa 'to eh. Kayo na lang bahalang mag-explore ng med building. Hahahaha. Dagdagan niyo na lang itong listahan ko kung gusto niyo :)
hi! please give tips for OT freshies like me. i'm really excited and nervous at the same time haha thank you in advance! :)
Hello there, anon! Here are some of the tips that I can give to you. Yung iba basahin mo na lang dito sa page ko. Hahahahaha.
1. Expect the unexpected. Manakot daw ba? Hahahaha. Pero seriously, since nasa college ka na, expect tons of quizzes, homeworks and seatworks. Kung sinusuwerte ka, minsan sabay-sabay pang nagaganap yang mga iyan. Saka most of the professors sa CRS ay nagbibigay ng pre-quiz and post quiz. Hindi na ina-announce yun. Dapat lagi kang handa.
2. Buy books from your upperclassmen. Malaki yung matitipid mo pag bumili ka ng books from the higher batch. Yun nga lang, karamihan sa mga libro eh maraming highlight saka doodle kaya unahan iyan sa pagpili ng libro na binebenta sa inyo. Pero yung mga workbooks (gaya ng ginagamit sa English) ay nabibili sa UST Publishing House (yung nasa tabi ng Beato.) Doon ka na lang bumili. Ah, yung director nga pala ng Publishing House eh si Sir Jack Wigley. (Hi siiiiiir!) Siya yung pinaka-awesome na professor ng literature ng ating pinakamamahal na kolehiyo.
3. Makipagkaibigan. Hindi lang sa mga kaklase mo o sa mga ka-batch mo kundi pati na rin sa mga ate at kuya ninyo sa CRS. Kaunti lang ang populasyon natin kaya dapat magkakakilala tayo diba? Saka malay mo pag tumakbo ka sa SC, manalo ka. :)
4. Pag-aralan mo ‘tong mapa na ito. Wala lang. HAHAHAHAHA. Natuwa lang ako sa nakita kong ito sa twitter. Yung may nakabilog na red, iyan ang tahanan natin. At sa tahanan natin, bawal mag-elevator. Hahaha (except na lang kung injured ka or something) Kaya pumasok ng maaga lalong-lalo na kung sa 6th floor pa ang klase mo.
5. Enjoy. Lagi kong sinasama itong tip na to sa lahat ng post ko about tips for freshies. Pero huwag sobra-sobra sa pag-eenjoy ha? Yung tipong napapabayaan mo na yung pag-aaral mo. Mga saktong enjoy lang dapat. Yung pag-unwind pagkatapos ng shifting exam, yung simpleng malling with friends kapag maluwag ang sched, mga ganun.
Welcome to the Royal and Pontifical University of Santo Tomas, the Catholic University of the Philippines! (Oo, kailangang buo yung title ng UST.)
Ate! do i need to wear the uniform na sa first day? :)
First day kasi is mass lang. So puwedeng hindi na. :D
Thankss ate!! :)
You're welcome! :)
THANK YOU POOOO!! :) mahirap po ba maging OT student? and more on ano po ba yung pinag-aaralan niyo? :)) thank you soo much po!
Wala namang madaling course. Hahahaha. So yeah, mahirap ang OT. Pero eventually you'll get used to all of the stress and pressure. :)) Tayong mga OT, ang mga pinag-aaralan natin eh more on Anatomy, Physiology at Kinesiology. Pero matagal pa iyon so mag-enjoy ka na lang muna sa freshie year mo. :))
Hiiiii! passed the USTET, and OT rin ako! :) tips please lalo na sa enrollment and first day :))))
Unang-una, congratulations! Ihanda mo na ang sarili mo sa sleepless nights (charot, nanakot lang. Hahahaha) Okay, so sa enrollment, una mong gagawin eh pumunta sa seminary gym para kumuha ng reg form at magbayad ng tuition. (Hindi puwede si mommy/daddy/yaya sa loob. Big boy/girl ka na, kaya mo na iyan.) Tapos, pumunta ka sa Main Building (Yung building na may cross) to get your I.D picture taken, p.e uniform and school uniform. Medyo matagal tong process na ito (as in sobrang tagal), so pagkatapos na pagkatapos mo sa seminary gym, punta ka na agad ng Main Building. Pag natapos mo na ang dapat gawin sa Main, punta ka sa Medicine Building (St. Martin de Porres Bldg.) para magpagawa ng nameplate saka mag-order ng lab gown, dissecting kit, etc. Bumalik ka na lang the next day para sa medical exam and drug test. (Hindi mo kayang gawin ng isang araw ang lahat ng prosesong ito, sorry. Pero kung keri mo naman, why not? Pero imposible talaga eh. HAHAHAHA) Para naman sa first day of classes, yung unang araw kasi eh mass lang, so puwedeng hindi ka na pumunta. (Joke, pumunta ka. Magagalit si Lord. LOL.) Yung second day naman, yun yung may klase na talaga. (Seryoso, may mga prof na nagkaklase na agad.) Just make sure na dala mo yung reg form mo, yung resibo ng binayaran mo na tuition, mga index card. 1/8 and 1/4. Saka madaming 1x1 pics. Ayun lang, so kung may tanong ka pa, just ask me again. :) Welcome to University of Santo Tomas. Pontifical and Royal University of the Philippines. (Kailangan buo talaga para cool. HAHAHAHA)
Hello! Ask ko lng if ilang students ang inaaccept nila for Occupational Therapy every year? And malaki ba ang chance na makapasok ang isang waitlisted na kagaya ko? :c
Hi! Usually kasi eh 2 sections ng OT yung tinatanggap nila, depende kasi yun sa dami ng nakapasa. Siguro around 70-80 yung tinatanggap ng college. Tungkol naman dun sa waitlisted status mo, siguro pag may nag-back out na applicant, may chance ka na makapasok. :))