Alam nyo yung Kikomachine Komix by Manix Abrera? Kung nagpupunta kayo paminsan-minsan sa entertainment section ng Phil. Daily Inquirer, dun sa comics corner, sya din yung kikomachine dun, may book edition na kasi. :)
Hahaha. La lang. Adik kasi ako dun. Langya kase ang witty ng pagkakagawa. Daming life, love and lust lessons. Waht?! Ba't may lust dun! De jk lang. Eh kasi sa ngayon tatlo pa lang yung nababasa ko tas paulit-ulit ko syang binabasa pag wala akong ginagawa pero di ko pinagsasawaan. As of now may sampung bilang na yung kikomachine komix kaso dahil purita lang ako, tatlo pa lang ang meron.
> Alab ng Puso Sa Dibdib Mo'y Buhay (blg.5)
> Sorrowful, sorrowful Mysteries (blg.7)
> Ilayo Mo Kami sa Apoy ng Impyerno (blg.9)
Medyo trip ko kasi mga pinoy authors and writers kasi ang daling maka-relate saka support kapwa pinoys. Yeah. Rock on. Charengs~ Pero nagbabasa pa din naman ako ng foreign works. Kaso yung puso at kaluluwa ko nasa sariling atin. Ge. bye. HAHAHAHA ^______^














