#Medyo Popoy and Basha
Yung fever ng A Second Chance is still in the air. Yung parang yung relationship nyo may hugot ng parang kay Popoy at Basha, hashtag medyo madrama. Haha. But seriously, may connect naman talaga sya in real life. No relationship is perfect. Mayroon talagang ups and downs. May happy moments at may mga iyak moments din.
For almost 11 months now, hindi ko ikakaila na lahat ng mga araw naming dalawa ay hindi naging perpekto. Ilang beses akong umiyak,nasakatan at ganun din sya minus the iyak part. Normal ang magkaproblema at mag away kasi doon mo talaga makikita kung hanggang saan kaya kang hawakan ng taong mahal mo. Yung mga tampuhan at iyakan hindi lang naman sakit ang dulot noon kung hindi mga aral na dapat matutunan at mga katotohanang dapat nating malaman. Kung baga, mas nakikilala pa nating husto kung sino yung taong kasama natin at mahal natin. Sabay nyong nalalaman kung ano yung mga kinatatakot nyo,kinasasama ng loob mo,mga bagay na kailangan baguhin o kaya naman i adjust sa bawat isa.
Isa din talaga sa nakita ko sa movie na yun at naimprinta na din sa isip at puso ko yung hindi pagbitaw sa pangako nyo sa isat isa. Well, kay Basha, kahit na anong pinagdaan nila ni Popoy,kahit sobrang sakit na, nandun pa din yung paghawak nya ng kanyang vow noong gabi bago sila ikasal. Na mamahalin nya si Popoy even in his worst self and that what made her stay throughout their relationship. At ganun din ang gusto ko,gusto kong makuha yung katangian ng Mama ko,to remain and be committed to relationship.
Another thing is that napaka importante ng communication sa bawat isa. Ganun kasi ako,kung may problema,dapat pag usapan. Kasi hindi sa lahat ng pagkakataon na naging ok kami,doesnt mean na ok talaga. May mga bagay na mas mabuting pag usapan talaga in person. Sabi ko nga sa kanya,dapat mayroon kami ng ganung time,yung mapag usapan lang ba kung ano yung problema,kung ok na ba talaga ang lahat. Minsan kasi,interfacing lang ang kailangan para masolve ang problema eh.
Hindi naging madali yung relationship namin. It has been a whirlwind one. Pero nagpapasalamat pa din ako kasi andyan pa din sya at mahal ako despite and inspite of my flaws,imperfection and tantrums. Haha. And while you are reading this,ibig sabihin noon we just battled out our problems.











