The Waiting
“Kay ganda mo ngang talaga, kay sarap pagmasdan ng iyong mukha
Salamat sa Manlilikha
Ika’y hinubog Nya
Ang ganda-ganda mong nilalang”
-- Nabighani, RM Rodriguez
Ang sarap siguro sabihan ng taong may gusto sayo kung ano ang nakasulat na lyrics sa kanta na inawit ni RM Rodriguez no. At, ang sarap din sa pakiramdam na may isang taong inilaan ang Panginoon para sa’yo... yung tipong pinagdarasal ka nya sa mga oras na ito. Sabi nga sa isang quote na nabasa ko,
“Hindi mo trabaho ang maghanap ng kapartner mo, ang trabaho mo ay maglingkod sa Panginoon hanggang ikaw ay dalhin nya sa taong inilaan Nya para sayo.”
Pero may paalaala si Ate Proverbs31 mga kapatid ko. :) Don’t serve God until He sends the right person, maglingkod ka kasi Diyos Sya who is worthy of being served. If we are serving God because of what we can get out of it, then who are we really serving? Let’s enjoy God’s presence as we grow and walk with Him. Serve Him! Praise Him! Worship Him!
Ang sarap diba na kayong dalawa ay parehong naglilingkod kay Lord, wag mainip hintay hintay din pag may time... hintayin mo yung taong sasabihan ka ng “no adjectives can explain how beautiful you are my dear”. Darating din si Will, si God’s Will. Anyways, of all the blessings na binigay ni Lord sayo, bonus lang si boyfriend or girlfriend mo. <3
Tandaan mo, it will always be worth the wait upon the Lord.














