19 HINDI 17
Bakit buong araw ramdam ko presensya mo? 19 naman ngayon... Karaniwan tuwing 17 kita naaalala, ehh bakit ngayon naaalala kita? Papansin ka ha? Pati 19 sinakop mo na! Pero seryoso nakakainis. Nagflashback na naman lahat.
Oh, teka. Wag mo sabihing meron padin Mayleen? ABA! Katangahan na 'yan.
Pero hindi naman porke naalala kita ngayon, ikaw padin. yempre hindi na no. Ang swerte mo naman masyado Victor kung ikaw padin. Spbra na uyy! =)) At di naman talaga ikaw naaalala ko ehh, yung masasayang araw na kasama kita ang naaalala ko. Dagdagan pa ng pangungulit ng nanay ko na ikaw daw kadate ko. Kahit na nasa court kami nanunuod ng laban ni kuya, nangungulit na ikaw daw kasama ko. At syempre maalala kita, naaalala ka ng nanay ko ehh. Masyado kang gwapo at naalala ka ng nanay ko. At mabaet naman ako no, kahit na nakamove-on na ako, tinetreasure ko padin pinagsamahan natin. Hindi ako bitter no, dahil sa nangyari tinulungan mo ako maging mas better. At nagpapasalamat ako don. :D Pero wag naman ngayon, panget ng araw ko ehh, tas nagparamdam ka pa at nagpamiss? Buti sana kung masaya ako ehh, kaso medyo sablay ang araw na 'to. Ayan sablay tuloy pagpaparamdam mo. Tuwing 17 nalang kasi, wag mo na idamay si 19. Nananahimik ako ehh. 17 yan lang dapat, walang extension ha? Salamat! :>













