Di ko kayang sambahin ang tinatawag mong diyos na namimili ng kung sino lang ang dapat niyang ibigin sa mga milikha niya. Dahil ako bilang mortal na tao, hindi ko kayang ipagkait ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa iba lalo na kung wala silang ginagawang mali at kahit anumang nakakasakit sa akin. Hindi ko kayang ipagdamot ang pagibig ko lalo na sa mga taong wala namang kamuwang-muwang sa mundo at nahuhusgahan ng iba sa kung sino at ano sila base sa mga desisyon nila. Lalake? Babae? Bakla? Tomboy? Sino ako para husgahan sila? Hindi ko kayang ipagdamot ang pagmamahal ko. Hindi ko kayang mamili lang. Hindi ko kaya. Does that make me a lot better than the being you call God?















