Uminom na naman kami kanina kasama dawala kong bruhang kaibigan. Dahil nagtitipid kami o siguro’y gusto lang namin maiba, Emperador Light naman ang ininom namin. 3 lang kami nung una, naubos namin yung 1 litro tapos dumating yung 2 pa naming pogay na kaibigan at bumili pa ulit kami ng 2 pang litro ng Emperador Light.
Hinatid ko pa yung mga 2 pogay sabog na kaibigan ko sa sakayan ng tricycle pagkatapos nilang malasing, (pag sabog uuwi na). Kahit medyo tinatahi ko na yung daan, nagawa ko pa ding makabalik sa apartment nung dalawa. Umiinom din pala yung mga kapitbahay nila sa labas, may handaan pa. Hindi ko alam kung anong meron, basta kumain ako dun at napa-shot din ng Emperador at ng Jägermeister bago bumalik. Pagkatapos ng pang-anim kong shot doon, dumerecho ako sa banyo para sumuka. Hindi ko na kaya. Minsan, sinasabi ko sa sarili ko na “Ayos lang sumuka, ‘wag lang sumuko.” Pero, sa pagkakataong yun, tinawag na ako ng bulagta sa sala. Di ko na kaya kasi alam kong pagkagising ko sa umaga, dadatnan ako ng hangover.
Kani-kanina, nagising ako, 1 oras na tulog naramdaman ko na. Sakit ng ulo, pagkahilo, photosensitivity, at kung ano-ano pang signs and symptoms na makakapagtulak sa akin na isumpa ang sarili ko kung bakit naparami ang inom ko kaninang hapon (‘tangnangyan). Ilalahad ko ang mga iba’t iba kong paraan para mapawi ang aking hangover:
Iinom ako ng maraming tubig bago matulog at pagkagising ko sa umaga. Minsan, bumibili pa ako ng gatorade o kung ano mang drink na may electrolytes. Basta, makikita mo naman yun sa label. Ang alak kasi, diuretic yan. Ibig sabihin nun, inilalabas nito ang tubig mula sa katawan mo. Kaya ka ihi ng ihi kapag nagiinom ka. Nawawalan ng tubig ang brain cells mo at iba pang cells sa katawan mo kaya kailangan mong palitan yun. Isa pang tip kapag umiinom ka ng hard drinks, ‘wag ka nang mag-chaser ng iced tea. Diuretic din kasi yan. Lalo ka lang mawawalan ng tubig sa katawan mo.
Nakanampowtek, itlog. Malamang, iba-iba tayo ng trip na pagkain pero subukan mong kumain nito kapag may hangover ka. Yung scrambled egg, pinapatakan ko ng liquid seasoning sabay konting paminta, ayos na yun. Yung, ilalim dapat malutong. Yung Protein na makukuha mo dito makakatulong yun para hindi ka masyadong masuka. Tapos dapat may Toasted Bread o kung wala naman, pwede kang kumain ng Sky flakes. Makakatulong din kasi ‘to para hindi ka masuka.
Dalawang tablets ng aspirin para mawala ang sakit ng ulo. Pero, kung kaya mo naman indahin ang sakit ng ulo mo, iwasan mo nang uminom ng aspirin. Baka lalong masira ang Liver mo. kaya di ko tinry
Diuretic din ‘to kaya dapat konti lang ang inumin mong kape. Yung mainit na tubig at yung caffeine, pwedeng makatulong para mawala ang hangover.
Amoy alak ka pa din, mabaho pa ang hininga mo. Malamig na tubig ang ginagamit ko tapos ang shampoo ko e yung Kahit ano, basta yung malamig sa ulo. Tapos medyo pinapatagal ko ‘to sa ulo ko. Syempre, ‘wag mong kakalimutang mag-sipilyo. Kawawa naman ang kausap mo.
Minsan, kailangan mo lang itulog ang hangover. Magpahinga ka. Pero ito ako nag tatype ngaun sa post na ito. Di na kasi ako nakakaramdam ng hilo.
Kayo na lang bahalang mag-research kung bakit “Hair of the Dog” ang tawag. Minsan, ko lang ginagawa ‘to ko. Yung “Sundot”. Iinom ka ulit ng alak para mawala ang hangover. Sinbukan kong uminom ng isang can ng Red Horse, ayun nawala ang hangover ko. Malamang, hindi mo na mararamdaman ang hangover kasi malalasing ka ulit. Tapos, hangover ulit, iinom ulit, hangover, inom. Paulit-ulit lang. Tapos, pwede ka nang mag-apply sa Alcoholics Anonymous.
Ilan lang ang mga ito sa mga itinuturing kong “cure” para sa hangover. Madami pa yan. Sigurado akong meron din kayong alam na iba pang lunas para mawala ang hangover niyo. Pero, syempre, ang pinakamaganda mong gawin e huwag ka na lang uminom…ng marami. Sapat na ang dalawang baso ng beer o dalawang shot ng paborito mong hard drink kada araw. Hindi mo ito iipunin ng ilang araw at ibubuhos na lang sa sikmura mo sa isang araw.
Kapag umiinom ka…kapag nagmamahal ka. Malalasing ka, malamang. Masaya at may halong drama. Minsan, hindi mo rin maiiwasan ang hangover matapos nito…ang heartbreak shit.
Kapag may hangover ako, parang naihahalintulad ko din ito sa pag-move on mula sa masaya, magulo, nakakahilo, at sakit sa ulong sawing relasyon. Madami akong steps na ginagawa para lang mapawi ang sakit na nararamdaman. Minsan, iinom ako ulit, “Rebound” kumbaga. Pero, hindi ito ang solusyon, hindi ito tama para sakin. Magpahinga ka din, nakakapagod din naman kasi. Oras lang, dre. Hintayin mo lang dahil tanging panahon lang ang makakapawi sa sakit na nararamdaman mo.