kalimutan mong gustong gusto mo.
minsan kailangan mong kalimutan yung mga bagay/tao na gustong gusto mo. yung tipong kating kati ka makuha pero kahit anung gawin mo, kahit lumuha ka ng dugo at mamatay kakaasa e hindi mo pa din makukuha. ramdam na ramdam ko to.
higit sa lahat hindi ako makapag drama sa kanya gaya ng ginagawa ko sa mga malalapit sa akin kapag namimiss ko. hindi sya yung tipo ng tao na madrama sa buhay. "happy go lucky" ika nga. kaya ayun ang tanging maitetex ko lang ay: "kamusta?" "miss na kita". ayan lang! at ang hirap para sakin nun. kahit gusto kong ipagsigawan at sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko nauuwi yon lahat sa takot na baka lalo lang syang lumayo sakin. at hindi ko kakayanin yun.
okay na sakin yung kamustahan, kwentuhan, at konting text kesa yung wala! dati rati ang lambing nya. sobra sobra! parang sya pa ung babae samin dalawa sa sobrang lambing nya. nakakatuwa isipin. naalala ko ung time na tinanong nya sakin kung anu ba tlaga kame sa isat isa. nakakatuwa sya. para syang babae. hahaha! kailangan ng assurance. yon sya.
pero sinira ko lahat yon. masyado ako nakampante. kasalanan ko naman lahat to e. sino pba sisisihin ko dba. kung pde lang irewind ang lahat ng nangyare samin ginawa ko na. naitama ko sana lahat ng mali. naiwasan ang hindi dpat mangyari.
sana magkita ulit kame, magkasama at makapag usap. yung malaya na ko. at para masabi naman namin na "nagkakilala tayo sa tamang panahon".










