YENG KISSED ME ON A GIG LAST 01/06/16
“OMG!” “I love you Yeng!” Yun lang yung mga nasasabi ko pagnakakafangirlgoals ako. Hahaha.😍 Walang wala sa mga plano ko yung mga nangyari. Wala talaga! My plan is makita lang ulit siya, mapansin with my tarp and okay na ko don eh pero nabago sa isang tanong. 😍 Host: Ilang magkakapatid sina Yeng at pang ilan sya? May sumagot pero mali, salamat talaga sakanya. Hihi. Me: Lima po. Bunso po. Host: Tama! Anong pangalan mo at tiga saan ka? Me: Jinky po. Pangil.
Tapos binigyan ako ng marshall pass. So I get inside the baricade kasi nasa labas kami before at hirap na hirap sa siksikan. My friends are saying “Go! dalhin mo na tarp mo” kahit naiwan ko sila sa labas. *Fast Forward sa time ni Yeng*
Nakaupo na ko sa loob sa sponsors, lumabas na sya tapos binuka ko na yung banner ko at sinimulang sumigaw, nakita ako nung mga organizer tapos pinapunta sa pinakaunahan. OMG! tapos lumipat ako sa side para nakatayo nalang. Kinanta nya yung Roar then Hello. Nung una hindi ako makapaniwalang nalimutan nya pero naniwala ako at ilang araw ang lumipas narealize ko na Na-PLOT TWIST AKO kunware nalimutan yung lyrics. Hahahaha. Nagtatanong sya kung anong kasunod na lyrics, tapos ako yung pinakamalapit tiningnan nya ko tapos nakita nyang dinidikta ko tapos pinalapit nya ko. Grabe! Nakakahiya yung pagrerecite ko ng lyrics sa mic. Hahahaha. Tapos hanggang sa natandaan nya na KUNWARE yung kasunod sa pagdidikta ko NAGTHANK YOU tapos KINISS nya ko right after. Grabe! Naguusap kami pero pabulong. Hahaha Thankyou sya ng thankyou tapos nag I LOVE YOU ng nakatingin lang sakin so I replied “I love you too! I love you! I love you!” Grabe! Tapos nagwawave at ngumingiti ako sakanya tapos nagwawave at ngumingiti din sya. Haaaaay! Goals na goals si ateng. Buong gig nakatingin nalang ako sakanya, wala na kong paki sa mga nakakakita saken kahit hiyang hiya na ko! Hahahaha. Sabi ko pa“nananaginip lang ata ako ah” kasi yung nangyari sa panaginip ko last December yun yung nangyari ngayon. Woooooo! First time. I LOVE YOU Yeng Constantino SOOOOOOOOO MUCH! Inspired na inspired na, makakatapos na ng thesis. Hahahaha.
Thank you to my supportive fangirlfriends (left to right) Kate, Deza, Me, Powley, Erna and Geniel. Kami lang talaga ni Kate ang Yengster at iba ang gusto nila. I love you guys! Kayo pa naluha nung hinalikan ako. Hahahaha. Thank you Lord!












