PARANG KAILAN LANG… (Mula sa unang linya ng kanta ni Florante. Oo na, pang matanda na kasi ang kanta. 😂)
Kitang-kita naman na sobrang tagal ko nang gumamit ng Tumblr. (since 2010 pa) At sa pitong taon kong pagbblog eh ayan nakakita ako ng iba’t ibang tao na may iba’t ibang kwento ng buhay (partida bumabiyahe pa ko from Novaliches to Cavite at Laguna para lang makita ko sila). Pati na sa mga MU (meetups) kahit malayo yan pupuntahan ko para lang makita ang mga kaibigan ko dito.
Despite our differences and all the shortcomings (tagalog na nga um-english pa) kahit anong mang away ang mangyari sa huli nagkakaayos naman.
Pero nasaan na kaya sila? Ano na bang ginagawa nila ngayon? Kahit ako di na ko nagpaparamdam sa kanila kasi marami lang talaga akong ginagawa. (Mahirap maging boss sa trabaho. Joke. Haha!)
But one thing is for sure (yan ka nanaman RJ), communication is key and time will come that’s we’ll meet again. Ika-nga sa isang English song “Reunited and it feels so good…” Sigurado maraming kwento ang baon ng bawa’t isa. Excited ako para dyan.
Sana mangyari yun sa 2018 ano?
Salamat sa regalo ng pagkakaibigan at sa magagandang ala-ala at saya na ating naranasan.
PS. Subukan ko kayo itag kung yun pa rin ang mga URL nyo. Haha 😂










