Ang hirap talaga kapag yung plano mo hindi nasunod kasi may isang hindi sumipot. Domino yung effect. Its either may maaabala akong ibang tao, tapos mapapagod ako ng sobra. And yes, both happened. Dahil desperately in need ako ng maayos na laptop sa work, kinailangan kong paayusin laptop ko. Since I have few resources, nahirapan din ako maghanap. Especially someone volunteered tapos biglang unavailable last minute. But since I really need it, I need to find ways. Naging BDO ako bigla. Una kong nakausap si Jepoy, dapat pupunta ako sakanya sa Fairview 10am kahapon. Ang kaso pupunta ako ng early morning sa Sucat, may kukunin sa pinsan ko. 6am palang nasa byahe na ako. At dahil malayo yung Sucat at ang tagal umuwi ng pinsan ko, hindi na ako natuloy kina Jepoy. Past 1pm na kasi ako nakauwi at ang layo pa ng Fairview at may celebration pa sa bahay ng isa kong pinsan from Taguig. So again, I have to cancel it. Nakakahiya nga kay Jepoy. Hays. Then my other option was si Chaner since Shaw Blvd sya. Ang lapit lang sakin. Thank God at may mga kaibigan akong tulad nila. Sya nag-ayos ng laptop ko. Pero kailangan kong iwan sakanya kasi nga may lalakarin pa ako. So wala akong dalang laptop sa work kanina. Tengga ako. Ang sama pa ng pakiramdam ko kasi past 10pm na rin ako nakauwi kagabi at grabe yung sakit ng ulo ko. Dala ko hanggang work. By around 10am, binigyan ako ng laptop sa office. Pero mabagal. Pang-cad lang talaga. I dont have to bring ny laptop anymore. Pero pwede na ako magtake home ng work. Nakakabisado ko na ang pagbabyahe pero yung katawan ko, hindi pa. Every now and then, bumabagsak. Tatrangkasuhin ako. Sabayan pa ng panahon, ediwow. Buti nalang talaga may mga kaibigan akong maaasahan. Thank you talaga Jepoy, Chaner, Kate, Nini at Nay Pia!!! 😘😘😘😘😘











