Naalala ko lang, dati nung bata-bata pa ako, sinusulat ko pa sa papel kung ano-anong 18 chever ang ipapagawa ko sa debut ko. Like 18 roses, 18 chocolate, 18 Winnie The Pooh, 18 shoes, madami yun. Kasi dun yung chance na yung ireregalo sayo eh yung request mo talaga. Tapos iniisip ko din dati kung anong isusuot ko. Pink with black na ball gown talaga ang gusto ko noon, tapos magcucurl ako ng hair, tapos basta.. Ihhhh naiiyak ako. :( Tapos meron akong escort. Wala akong boyfriend non kaya wala pa kong naiisip na escort non. Hahaha. Pero nung 16 na ako, at kami ni JC, gusto ko siya na ang escort ko sa ganoon. Gusto ko pa noon, sa hotel na may swimming pool gaganapin para pool party after. Grabe, frustrated na frustrated ako nung napagtanto ko na hindi na mangyayari yun. Kasi andito ako sa America. :'(( Kung pwede lang umuwi ako ngayon, kahit ilang araw lang, macelebrate ko lang ang birthday ko sa paraang gusto ko. Kaya lang hindi praktikal. :'(
Nung isang araw ko pa iniiyak to, sabihin nyo nang mababaw ako pero kung pwede lang next yr na lang ako mag 18 para posible na kong makauwi. Ganito pala pakiramdam kapag hindi natupad pangarap mo, madami akong pangarap pero itong isang to ang unang hindi natupad, at sana panghuli na. Kasi awang awa ako sa sarili ko ngayon. Hindi ko talaga maitago tong nararamdaman ko, nung isang linggo pa ko nanlalambot. KApag nakakakita ako ng mga picture sa facebook ng mga debutant, ng kung gaano sila ka excited, nag cocountdown, kung gaano ka unforgettable ang 18th birthday nila. Nanlalambot talaga ako. :( Misan hindi ko din alam kung matutuwa ako pag binabati ako, kasi pag binabati ako naaalala ko na 18 na ako. Eh kasiii. Wish ko yun eh. :((( FRUSTRATED DEBUTANT..
Hindi ko pa nararanasan ayusan. Sa prom, sa grad ball, sa lahat ng okasyon na inaayusan ang babae. Wala . :( Bakit kaya? Siguro nga may reason kung bakit. Pero kung anu man yun, sana worth it. Kasi I feel so down and insecure. I can't lie to myself, super lungkot ko talaga. Ito na siguro yung pinakamalungkot na magiging birthday ko. Sana hindi.