Masasayang Alaala sa Paglalakbay sa Bicol
Ang Bicol ay isa sa aming matagal ng pinagpaplanuhang puntahan ng aking pamilya dahil sa ito ay isa sa mga dinadayuhang lugar dito sa Pilipinas kasama ang aking pamilya.Bagamat malayo ang Bicol mula Bataan ay nagpatuloy parin kami at pumunta dito gamit ang aming sasakyan at nagbyahe ng walong oras. Bata pa lamang ako ay naging mukang bibig na ng aking lola ang angking kagandahang tinataglay ng rehiyon ng Bicol kaya't papunta pa lamang kami doon ay punong puno na ako ng pananabik sa lugar na ito.
Ang bicol ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng kapuluan sa Pilipinas. Bago kami makarating sa centro ng probinsya ng Bicol ay dumaan muna kami sa lalawigan ng Camarines Sur upang magpahinga at kumain. Ang Camarines Sur ay isa sa mga lalawigang bumubuo sa Bicol at isa sa probinsiyang napapalibutan ng mga bundok.
Sa unang araw ng Bicol ay agad naming pinuntahan ang isa sa kadahilanan kung bakit pinupuntahan ng maraming turista ang Bicol at ito ay ang bulkang Mayon. Ang bulkang ito ay isang aktibong bulkan na matatagpuan sa lungsod ng Legazpi. Ito ay kilalang bulkan sa Pilipinas sapagkat ito ay mayroong halos perpektong hugis apa at naging dahilan kung bakit nakilala ang rehiyon ng Bicol.Sa pagpunta namin dito ay nakita namin ang laki at kagandahan ng bulkang ito ngunit maaari lamang namin itong tanawin sapagkat pinagbabawalan ang pagpunta ng malapit dito dahil ito ay isang aktibong bulkan.
Sinubukan din naming gumamit ng trail bike sa pagpunta sa bulkang Mayon upang malibot ang malawak na kapatagan kung saan makikita mo ng mas maayos at kagandahan ng bulkang Mayon. Sa pag lilibot namin dito ay namangha ako sa kapatagang nakapalibot sa bulkang Mayon dahil makikita mo dito ang mga magagandang bato na nagmula sa pagputok ng bulkan.
Ang aming tinuluyang tahanan ay ang lugar kung saan lumaki ang aking lola. Hindi kalayuan ay mapupuntahan kaming dagat kaya’t napag napag kasunduan na maligo dito. Sa ikalawang araw namin ay nag dagat kami kasama ang aming mga kamag anak na taga-Bicol at habang nag lalakad lakad sa dalampasigan ay nagulat ako ng makita ko na tanaw parin ang bulkang Mayon doon.
Ang dagat dito ay may pinagkaiba sa dagat sa Bataan dahil kitang kita dito na buhay na buhay ang mga corals at makikitang mo ang iba’t ibang isda na duon lamang makikita. Habang kami ay lumalangoy ay naka kita rin ako ng malalaking sea shells at Starfish.
ANG MAKASAYSAYANG SIMBAHAN NG CAGSAWA
Ang huli naming pinuntahan ay ang Cagsawa Church, matatagpuan ito sa barangay Busay, Cagsawa, munisipalidad ng Daraga, Albay. Sa pag punta namin dito ay makikita ang kasaysayan ng simbahang ito na natabunan noong pagsabog ng bulkang Mayon sa taong Pebrero 1, 1814 na naging dahilan ng pagkasira nito. Ngunit makikita dito na sa paglipas ng taon ay pinaganda ito ng mga mamamayang mula dito at naging makasaysayang lugar at pinupuntahan ng maraming turista.
PANGKABUUAN
Ang aming paglalakbay sa Rehiyon ng Bicol ay isa sa mga araw na hindi ko malilimutang lugar na aking napuntahan dahil sa ganda nito at masasabi kong may natatanging mga bagay na hindi lamang pagkain at sariling wika kundi sa mga lugar na may katangiang sa Bicol mo lamang makikita at kasama nito ang mga makasaysayang mga lugar na dito lamang makikita.Sa pagpunta sa lugar na ito ay maraming kaalaman at mga lugar pa akong makikita at malalaman.











