Wala naman kasing “tayo”.
It’s been a long day, months and years since I have this feeling for you. Now, you have your girl and I’m seeing someone. Wala namang “tayo” ever since. Marami nagsabi na nagbigay ka raw ng motibo pero di mo napursue. Ano nga ba kasi ako diba? Baka di ako yung tipo mo, maingay, kalog at walang pake sa sasabihin ng iba. Baka naturn-off ka? Or nasaktan dati kasi may mga nakakausap akong iba to off you or make you feel rejected or what. Ayan ang sabi nila. Pero baka ako lang naman talaga ‘tong umasa sayo. Namisinterpret ko lang lahat ng ginawa mo dati. Na baka ganun ka lang talaga sa iba. Ayoko kita isipan ng masama. Bineblame ko naman yung sarili ko sa lahat. Nanghihinayang ako sa chances na binigay sakin dati, sobrang nagreregret ako. Ang daming what ifs sa isip ko. Nakakalungkot. Kaya siguro ganito pa rin ako ngayon. Oo, ngayon. Hanggang ngayon. Everytime I see you with your girl, I feel bad and jealous. Pinapakita ko sa iba na okay lang, okay na ko, wala na kong nararamdaman sayo. But honestly, nakakaiyak. I should be that girl if I depend on my what ifs. You’re both happy, in each other’s company. Kilala na kayo ng family niyo both sides. Nakakatuwa. Yes, natutuwa ako sa inyong dalawa. ‘Cause that girl deserves you. I can see in her eyes that you’re worth it. But in my eyes, I can feel the pain. I can’t explain this feeling. Para talaga akong tanga eh. Tanga talaga. Mahal ko ba siya? Hindi eh. Gustong gusto ko lang naman siya. And there are questions that I wanted to answer. I’m hanging. Yun lang naman siguro kaya ako nagkakaganito sa kanya. Kaya di ko pa siya maleave behind. Pero katangahan ko lang naman ‘to eh. I can be happy. I know that. I’m seeing someone who makes me laugh and can take care of me. Maybe, di ko lang siya maappreciate ‘cause I still look back. Yes, iniisip ko pa rin yung dati. Kailangan na kitang kalimutan. :( Marami nang dumaan sakin pero I still look back to you. Ikaw pa rin yung bagsak ng isip ko, pero ewan ko sa puso ko. Yeah, isip ko lang yun. Kaya katangahan na siguro ‘to. I REALLY REALLY REALLY REALLY REALLY REALLY LIKE YOUUUUUUUUUUU!!!!!! As of this moment, naririnig ko yung kantang A Thousand Years. Oh why?!!!! Nagpaparamdam ka. :( This song is especially for you. Katangahan, Joyce. Katangahan. Wala na kong nakikitang rason para mawala kayo ng girl mo. Wala na. Everything is fine. Except me. Can I ask you one question? And after that question, I’ll promise that I’ll leave you behind. Hindi lang ako matahimik. Naiiyak na naman ako. Ano ba naman ‘to?! Gusto kita kausapin. Pero may mga masasaktan. Wag na lang. Tiisin ko na lang at hayaan kita. But please, Joyce naman. Tulungan mo naman sarili mo oh. Pwede namang masaya! Hays. I don’t know how to end up this post. Oo na lang. Wala naman kasing “tayo”.











