Registered Psychometrician
Thank you Lord sa lahat po ng blessings at pag guguide nyo po sa akin. I will always trust you po. Sa wakas nakapasa ako. 
Kahit self-review lang ang ginawa ko, na ang daming doubts sa sarili ko kung papasa ba ako kasi sobrang daming distractions sa pagrereview, minsan hirap pa akong intindihin yung mga binabasa ko at kulang sa disiplina sa pagrereview. Bakit nga ba ako nagself-review ? Ayoko naman talaga mag self-review kasi alam kong mahihirapan ako tsaka alam kong hindi pa sapat yung mga natutunan ko sa school pero wala akong magawa eh, wala kaming pera pambayad sa review center. Naglakas loob na lang ako mag self-review na alam ko ang chances ng pagpasa ko ay sobrang baba. Naiingit nga ako sa mga kaibigan ko na nagrereview center kasi bukod sa may discussion sila may mga hand outs at practice test pa sila. Ako puro basa at sulat lang ng sariling reviewer. Di ko nga alam kung lalabas ba to sa exam yung mga nirereview ko kasi na ngangapa lang ako. Pero ayun, nakapasa ako. Di ko alam kung anong anangyari, pero nagpapasalamat talaga ako kay Lord, kahit self-review lang yung ginawa ko nagawa ko makapasa.
Gusto ko rin magpasalamat sa mga pinsan kong psych. na nagbigay at nagpahiram ng mga books nila sa akin. Napakalaking tulong nun 😊 Para sa mga di pinalad makapasa, alam kong hindi madaling tanggapin dahil alam kong binigay nyo lahat ng effort at best nyo pero sana gawin nyo tong motivation at strength para mag strive harder para sa susunod na exam at sa buhay nyo. Always look at brighter side of things kahit minsan mahirap. Naniniwala ako sa inyo na magagawa nyo to. 😊✨ Gian Andrei N. Guardiano, RPm












