Sweet Seals For You, Always
NASA
No title available
RMH
hello vonnie
we're not kids anymore.
macklin celebrini has autism
Cosimo Galluzzi
I'd rather be in outer space 🛸

Discoholic 🪩
Fai_Ryy

Origami Around

Kiana Khansmith
EXPECTATIONS

Product Placement
cherry valley forever
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
The Bowery Presents

❣ Chile in a Photography ❣

JVL
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Malaysia

seen from Spain

seen from United States
seen from Colombia

seen from Malaysia
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Netherlands
seen from Malaysia
seen from United Kingdom

seen from Australia
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Singapore
seen from Colombia
seen from Germany
seen from Germany
seen from United Kingdom
@thehappyfaith
"Sa bawat wakas, may bagong simula."
Hayaan mong damhin ang sakit sa bawat pighati
Naway walang makakatumbas kundi yakap at ngiti
Simulan natin sa "Pagod kana ba?"
Pagod kana bang ipaglaban ang taong mahal mong di ka mahal? Pagod kana bang ipagsiksikan ang sarili mo kahit di naman? Nakakapagod ba talagang magmahal?
Ititigil ko na ba? Syang tanong ng isip ko
Kakayanin pa ba? Magmamahal pa ba? Katanungang na di ko mawari ang sagot na nang galing sayo
Tama na. Syang sinabi ng kaluluwa mo.
Tama na. Kasi nauubos na ko.
Tama na. Para sa ikakaligaya ko to.
Paalam.
Paalam sa magagandang ala ala ngunit bangungot ang dala
Paalam sa pagmamahal na haka haka
Paalam sa pagmamahal na akala koy sapat
Paalam sa pagmamahal na ibinigay sa sarili ay dapat
Paalam dahil akoy nasaktan.
Paalam dahil ako naman.
Sisimulan ang araw na walang ako at ikaw.
Pighati.
Hangang kelan ako magtitimpi?
Hangang kelan ako mananahimik?
Hayaan mong ang katotohanan ang magsilbing daan para sa kasiyahan.
Kasiyahang mag dudulot ng katahimikang taglay ay totoong pag ibig
Kasiyahang sadyang galing sa puso at isipan,
Kasiyahang dahil sya'y mahal ng tunay.
Tapusin na ang lungkot.
Paltan nang saya at pagmamahal ang syang dulot.
Alisin ang dapat alisin.
Mahalin ang dapat mahalin.
Simulan sa sarili bago mahuli
Simulan sa ngiti
Pahalagahan ang sarili
Mahalin ng mabuti
Sarili muna bago iba.
Ako muna bago sya.
--
#AngWakas
Pandemya: Palataya. Pag-asa. Pagmamahal
“Pandemic Kasi Eh”. Nakasanayan nalang ba talaga? o sadyang may bagong pag -asa pa?
“Pandemic kasi eh” ang simula nang malaking pagbabago sa ating lahat. pagkawala ng trabaho, nagkaron ng malubhang sakit, nawalan ng mahal sa buhay, ang pag baba ang ekonomiya, apektado maski ang mentalidad, tila nga’y PANDEMYA ang buhat. “Pandemic kasi eh” pati ba ako, isososocial distance mo na rin?-- G.
Katagang nagsilbing palaisipan na habang tayo’y nakakulong sa isang kwarto, nagpapalakas, naghahanap ng liwanag, maisalba ang masamang karamdamang naidudulot ng pangayayaring ito, tama pa nga ba na pati ikaw ay kalimutan at distansyahan ko? “Andito ako,”-- G. Huni niya, habang ako’y nakapikit nag iisip kung paano ang puso at isip ay ipagdidikit at maging positibo ulit. “Andito ako.”--G. Huni niyang muli, habang ika’y lumuluha dulot nang bigat nararamdaman dahil sa mga pangangayaring di mawari, tinatanong kung kelan magiging masaya at malaya muli,
Sa huli, Pagmulat ng aking mata, Pag asa muli ang iyong dala. Matatamis na ngiti mula sa pagdasal,Isinapuso at ini-asal,
Pagsubok ka lang, May Panginoon ako, Panginoong nag-gabay, Dasal ang naging tulay, Pananampalataya ang naging sukatan, Pagmamahal ang naging kasagutan. --
Just really fighting for what is my worth.. :(
MAHALaga.
Ikaw. “MAHAL-aga ka sa akin”. pero bat IBA ang nararamdaman ko nung sinabi mo ang mga katagang ito. ramdam ko’y may hangganan lamang ito. Na hanggang dito lang itong nararamdaman mo para sa akin.
bat parang masakit, dahil ba umasa ako sa salitang “MAHAL-aga” ako sayo. Mahal nga ba o “MAHAL-aga”. “Mahal-aga ka” dahil ano kasi, Gusto kita. “MAHAL-aga ka” bilang kaibigan ko syang sabi mo.
Ano ba dapat ang piliin, ipaglaban ang nararamdaman o isakripisyo ang pagkakaibigan na parang pakiramdaman nalang. Ano ba ang dapat sundin? Puso na syang sinisigaw ay ikaw, o isip na nagsasabing hanggang dito nalang. ---
Tinatan(g)gi.
“Meron nga bang Tayo sa ikaw at Ako?; hindi ko alam, basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama kita, mahal na nga ata kita.” Susubok para masabing matapang; walang pasintabi kung kaya, basta kakayanin, Pero sa huli, Talo. (hanggang dito lang kaya ko, ang mahalin ka bilang isang malapit na kaibigan) -- May mas sasakit pa ba? “Huwag kang tanga. Wag puro puso ang pairalin sa mundo ng pag - ibig. Paano, eh makita palang kita, tangang-tanga na ako, paano kung kausapin mo pa ako? ano bang mas tawag don? gaga? tanga? o marupok?” Muli kitang tinanong, ANO NA BA TO? May TAYO pa ba sa Ikaw at Ako? ngunit syang sabi mo, “Malabo, Kaibigan lang talaga kaya kong ibigay na pag mamahal”. Ano to, pag nilamig ka, ako agad instant teddy bear mo, pag need mo ng pampronta nang ka-date, ako agad, para magmukang hilaw na girlfriend mo? Pero sige.. Mahal naman kita eh. Literal na mahal talaga. Lagi lang tayo may Simula, pero di tayo hanggang dulo. Kasi ayaw mo, takot ka, Pagabi na naman, at ako’y hanap mo, dapat pa bang sagutin ang nakakarupok mong tanong na “San Ka?”
San Ka, susunod sa puso na nag papaka tanga sa taong mahal na mahal mo pero ang totoo, kaibigan ka lang niya. o sa utak mong, sinasabing TAMA na, Mas mahalin mo ang SARILI Mo. PILIIN MONG MAGING MASAYA. Paano kung ang kasiyahan ko ay, IKAW? maitatanggi mo ba yon sa kin? o hahayaan ko nalang na kalimutan ka sa isang iglap nang malaman ko naman ang totoong kahalagahan ko bilang isang tao? Karapat dapat din ako. kamahal mahal din, pero hindi para sayo. Sa tamang Tao.
Sa susunod nating pagkikita.
Tulang ito ang magsisilbing mga salitang magsasabi sa iyo na “ Sana” at “pag-asang magsasabi na may pangalawang pag-kakataon pa upang maiayos muli ang naputol na ugnayan.
Nararapat bang ibaon nalang sa limot ang lahat? o sadyang piliin nalang natin ang mas nakakabuti para sa isat isa?
Sana sa susunod nating pagkikita, masasayang ala-ala na lang ang ating gagawin, takasan natin ang mapapait na sinapit natin sa nakaraan. Limutin natin ang nakaraan na parang walang nangyaring karumal-dumal.
Sana sa susunod nating pagkikita, wala nang iwasan bagkus kamustahan nalang sa mga nangyaring tinahak natin noong tayo’y maghiwalay, Piniling hamakin ang pangarap mag- isa, buhayin ang sarili dulot ng pagkakataon na ikakaunlad ng pangarap para sa responsibilidad sa pamilya.
Sana sa susunod nating pagkikita, ipaglaban natin kung ano talaga ang meron “tayo”;balewalain natin ang mapanghusgang mundo at mga nilalang na walang magawa kundi paghiwalayin ang ikaw at ako.
Sana sa susunod nating pagkikita, maging matapang na tayo para sa isat isa. piliin ang “tayo” na magsisilbing lakas, inspirason at saya sa mga susunod na pagsubok sa buhay nang tayo ay magkasama.
Sana sa susunod nating pagkikita, masabi ko sayo na “Andito lang ako,mag iintay, handa na ulit mahalin ka, at sabihin sayo ng buong tapang na “Mahal pa rin kita. di nag bago. magdagdagan lang kung mamahalin mo rin ulit ako”.
https://iglovequotes.net/
Girls, know your worth. ❤️
Anxiety Story
Hi just want to write my story during this quarantine period. just to calm all my worries, doubts, burden. So Recently this 2020, a lot of horrible things happened to me. Let me start by having this asthma thing that cause for the ash fall. Thought it was just a simple asthma, but its not. it affects my lungs that causes my lungs having “gasgas” on it. But I Still Thank Almighty God that I’m Ok and I’m safe. Thank you for the meds also. Next,My PCOS update. I was diagnosed last 2018. but it was been getting worst. i was stressed everytime. and as the OB said, avoid getting stressed. Until now, im taking meds, but this ECQ, i got a little time for myself to diet and have work out.Through YT( youtube), i must do a little work out ( 30 mins per day), NO COFFEE, Minimize the cups of rice that im eating, NO MILK TEAS, NO FAST FOOD. Challenged everyday to do work outs drink lots of water. Challenging myself was my decision. And i want to be fit and healthy for the future. While doing this while we are experiencing ECQ, i got re-trenched. I got no work. But this gave me a bigger impact that i got anxieties. Sleepless nights, getting drunk just to get some sleep, i just want freedom, peace and just move on with the causes. With all these, our Almighty God helped. Prayed all my worries, doubts, fear, sadness, just to fix everything, the broken me, the peaceful once.
Now, i’m at the moment of my freedom, at peace, now i just want to fight for my right. What’s NEXT 2020?__ Hope there will be a good news still. Please give us Hope! Lord God, you’re just an amazing God. Got me solved my problems one by one; teaching me the right thing to do, Lord, i know all is well. Just trusting your process. Thank you for saving me on my struggles in life. Thank you for staying at my side. ---
https://iglovequotes.net/
“Ikaw” ang Paksa sa aking mga Tula
Tulang ito ang magsisilbing kwento sa mga konsepto ng masasakit na alaala Ikaw ang nagsilbing rason sa aking “pagtakas” sa magulong mundo ko. Nagsilibing ilaw sa madidilim na sulok ng problema na tinatahak ko, At ngayong batid na ako’y nammroblema, ikaw agad syang hanap ko. Syang lusot ko, paglimot ko sa pandaliang sakit na dinudulot ng realidad na ito. Ikaw ang nagsilbing “Happy pill” ko,
Sa twing titignan kita galak ang syang dala mo, Sa twing makikita kita dala mo’y kaba, pakiramdam ko’y sabik Na dala mo sa puso ko’y hagikgik. Ikaw ang nagsilbing “constant” sa buhay ko. Constant dahil simpleng andyan ka, Constant dahil pinapasaya mo ko, pero Constant ka rin na saktan mo ko. Saktan ako para sabihing hanggang magkaibigan lang tayo, Saktan ako kasi alam mong may gusto ko sayo pero inaabuso mo, Saktan ako para mawalan ng respeto sayo. Gayunpaman,
Sana dumating tayo sa punto na pillin mo yung “TAYO” Yung ikaw at ako, walang “SIYA” sa eksena Oo mahal kita, pero sana mahal mo rin ako, Pero hindi eh, may isang SIYA na eeksena Bat ba kasi hindi pdeng “AKO” Kasi may MAS siya, MAS maganda, MAS Matalino, MAS Bibbo, Paano naman ako, Walang MAS, pero andito parati para “SAYO”. Ikaw pa rin kahit parang ka nang bula minsan andyan, madalas nawawala Ikaw pa rin sa hanggang sa dulo, Kahit dulot nito’y gulo
Ikaw lang, ikaw pa rin, walang iba Hanggang sa muli, Mananatiling “IKAW” ang paksa sa aking mga tula, “PAALAM”
“Fall in love with someone who deserves your heart. Not someone who plays with it.”
—
Hello to my Answered Prayer. 🙏❤️
Salamat 2019, Salamat sa mga problemang pinaranas mo para mas maging matatag ako sa mga pagsubok, Salamat sa mga pamilya and kaibigan na walang sawang umintindi, mahalin ka ng buong buo and tanggapin ka ng buong buo kahit ilang beses kang nadapa at nadurog, Salamat Panginoon sa lahat ng pag aaruga sa kin, sa pag unawa, sa pag gabay sa akin, sa bawat Iyak na pinaramdam mo ang mga dapat kong matutunan, Sa bawat pagdapa ko ikaw agad ang itinawag nang puso’t isipan ko, sa bawat Ngiti na dulot ay saya na nang gagaling sa kaibuturan ng aking puso, Walang sawa magpapasalamat sa iyo G! muli 2019, maraming salamat at paalam! 2020, Humanda kana <3 :) haharapin kita ng mga walang takot basta kasama ko si Kristo.