Ang hirap hirap pala mag move on. Ang hirap na kalimutan nalang lahat ng mga pinagdaanan natin, ang hirap kalimutan ng mga memories na nabuo natin. Akala kasi natin kaya natin, na tayo na hanggang dulo. Hindi pala.
Lumipas nalang lahat ng di natin namamalayan, pero kung titingin ka pabalik, ang laki na ng dipirensya.
Sa bawat pag-aaway natin, akala ko mas tumatatag tayo.
Pero napagod ka, nagsawa, at mas pinili moang lumaya kesa ang makasama ako.
Aaminin ko, na sa loob ng relasyon natin, I lost my self. My old self na minahal mo. Pero kung anoman ako ngayon, tinukungan mo kong mabuo ulit, at mas madagdagan kung ano ako dati.
Ganun din sa side mo, I always make sure na you will be the best version of yourself. Hindi naman para sakin yun kundi para sayo lang.
Ano nga bang nangyari satin? Bakit bigla tayong nagkaganito?
I saw the potential in us, na kaya natin tumagal hanggang dulo, dahil kuntento tayo sa isa’t isa. Pero everything started to be toxic. Yung dating give and take relationship, hindi na natin na-balanse. Sobrang sakit, ang bigat sa loob, dahil lagi kong iniisip na ikaw na, ikaw na sana.
Tanda mo pa ba nung pinapangarap mo palang ako? Nakita ko kung paano naglaho lahat ng yun :( kung pwede ko nga lang balikan, kahit isang beses lang, gagawin ko. Gusto ko ulit maranasan yun, kung paano ka nagpursige para mapasayo ako.
Hindi ko kailanman isusumbat sayo ang mga nagawa ko para sayo at para satin, dahil ginawa ko yun kasi gusto ko, kasi yun yung dapat kong gawin. Hindi ko hinihiling na maibalik mo at magawa mo din ang mga yun sakin, pero somehow habang tumatagal parang nauubos ako. Ang pagkakaalam ko kasi sa love, it is a commitment.
Takot na takot ako na iwan mo, takot na takot ako na dumating na yung araw na hindi mo na ko mahal. kasi buong buo na yung desisyon ko na hanggang huli, ikaw lang. at kaya kong patunayan yun sayo.
Love is sharing. Naubos ako pero pilit ko pa rin binuno, kasi mahal na mahal kita. Pero habang tumatagal, parang you are giving me less than what I deserve. Hindi naman ako yung bastang babae at alam mo yan.
Hanggang sa nangyari na yung pinaka kinatatakutan ko. Dumating na yung araw na pagod ka na at gusto mo nang lumaya. Oo, mahal mo ako pero pagod ka na sa lahat ng ito. Kaya sobrang hirap sakin na palayain ka kasi alam kong mahal mo pa din ako, pero sabi mo din na hindi ka na sigurado sa future mo, na ako yung makakasama mo. at gusto mo munang mapag-isa ngayon.
Sobrang sakit, para akong nadurog no’n. Pero mahal na mahal kita, kaya hindi ko ipinagkait yung kalayaan na gusto mo. Hindi ko pinagdamot yun dahil yun ang makakapagpasaya sayo. Sino ba naman ako para ipagdamot yun diba?
Hindi mo man ako nabigyan ng sapat na dahilan, pero sapat na dahilan na sakin yung mas pinili mo ang lumaya at mag-isa kesa ang makasama ako. Gustuhin ko man malaman yung side mo pero ayoko na din malaman yung mga dahilan kasi lalo lang masakit, at lalo lang akong mahihirapan na tanggapin.
Akala ko talaga tayo na hanggang dulo. Akala ko di ka katulad nila.
Ang hirap gumising sa umaga at matulog sa gabi na wala ka na nga pala. Ang tagal din kasi na ikaw yung lagi kong kasamat at laging nanjan. Pero kailangan kong masanay. Hindi ko tuloy alam pano maging tunay na masaya, yung hindi nagpapanggap. Yung tunay na masaya, di tulad ngayon na bigla bigla nalang akong malulungkot at iiyak. Ang hirap libangin ang sarili, kasi sa lahat ng gawin ko, sa lahat ng bagay, ikaw yung naaalala ko.
Hihintayin ko nalang na dumating yung panahon na okay na ako, nakakangiti nang hindi napipilitan, yung talagang tunay na masaya na ako. Pagdadaanan ko lang ito, at kapag binalikan ko, tatawanan ko na lang. Hindi man ako makapag move on nang mabilisan, pero dadahan dahanin ko hanggang sa maging masaya ako nang walang ibang dahilan kundi ang sarili ko.